Honest
I froze in my position for about five minutes. Muling bumalik sa alaala ko ang sinabi ni Bins nang nakaraang nakapag-usap kami. Walang plano si Freyr na grumaduate. Ngunit hindi ko inaasahang totoo iyon. I was hoping it was just a joke.
"Yeuxia!"
Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Bins na hapong-hapo. Wala sa sariling bumaling ang tingin ko sa kaniya.
Mula sa mukha ko ay bumaba ang tingin niya sa hawak-hawak kong papel. Shock registered on his face. Hindi ako nagsalita. Tahimik akong tumayo at binalik ang mga papel sa pinagkunan ko kanina. Umiling ako kay Bins nang lingunin ko ito.
Alam kong alam niya kung ano ang nalaman ko. At alam din nila kung anong ginagawa ni Freyr.
"Wala na ba sila?"
Mabilis na napalitan ng ngisi ang ekspresyon ni Bins. "Syempre, Yeux, kami pa ba," anito at pinakita ang muscles niya sa dalawang braso. Mahina akong natawa at lumapit sa kaniya. Wala man lang siyang galos.
Sinundan ko si Bins palabas ng kwarto. Sumalubong sa'min si Dean na nakaupo sa upuan at umiinom ng tubig. Nasa sofa naman si Joseph at may binabasang magazine. Wala naman si Freyr sa loob.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Dean nang umupo ako sa silya sa tabi niya. Inilapag nito sa lamesa sa harapan ko ang isang water bottle.
Tumango ako at kinuha ang tubig. Habang umiinom ako ay buumalik sa alaala ko ang mga nangyari kanina. Sumasakit ang ulo ko sa maraming nangyari, isa pa ay bumalik din sa sistema ko ang kaba at takot.
They reminded me so much of Madison and her friends, but I know that they are not related or even know each other. Marami lang talagang mga katulad nila sa mundo, at iyon ang lalong nakakatakot.
Napunta ang atensyon ko kay Bins nang pihitin nito ang upuan sa tabi ko't umupo roon. Lumipat din si Joseph sa kung nasaan kami at umupo sa harapan namin.
"Kaaway namin sila, Yeux," Bins stated in a low voice. "I'm sorry nasali ka pa."
Hindi ko alam na may mga kaaway sila sa labas ng campus. Ang alam ko lang ay ilang beses nang nasangkot si Freyr sa gulo dahil sa mga cuts at galos niya minsan sa mukha at knuckles. And they are a group, so it can be a group fight.
"Palagi ba kayong napapaaway?"
Bins scratched his jaw. "Ahm.."
Tipid akong ngumiti sa kanila. They look like hesitating to answer my question.
"I won't judge," I said. Napabitaw si Bins sa panga niya at nawala ang pagkakabahala sa mukha.
"Madalas na minsan," natatawa niyang saad.
I let out a chuckle. "Gaano kadalas ang minsan?"
"Hindi naman araw araw. Kapag ano lang. Basta, we are not like them, Yeux," he is probably talking about the thugs that I met a while ago.
Joseph cleared his throat. "'Wag kang mag-alala, Yeux, hindi naman kami nakikipag-away kapag walang atraso."
Umawang ang aking labi at pasimple akong humugot ng malalim na hininga. Parang may ayaw silang sabihin sa akin ngunit nirerespeto ko naman iyon.
I pressed my lips and formed a small smile while nodding. People have this mindset that when someone have piercings, tattoes, and get their self into a fight, they are already described as bad person. Mayroon naman talagang ganoon, ngunit mayroon ding hindi. Mabait na tao sila ni Freyr, Dean, Joseph, at Bins.
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago kami nagsimula sa pag-aaral nila Dean at Bins. Patapos na kami nang dumating si Freyr na may dalang mga chips at soft drinks. Pinasadahan lang ako nito ng tingin sa kinaruruonan namin at dumiretso sa sofa para humilata.
BINABASA MO ANG
The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)
Teen FictionThe Trilogy #1 Yeuxia is bullied. Freyr is a bully. Yeuxia is smart and an achiever. Freyr comes from the lowest section of their batch. Yeuxia has no friends. Freyr has. Yeuxia gets lost in the thoughts of her dreams. Freyr gets lost in the mystery...