Chapter 33

38 4 0
                                    

Spoken

"Freyr!"

Hindi ko pinansin ang mga nakatingin sa akin at patuloy na hinabol si Freyr. Hindi ako nito nililingon sabay ng diretso niyang paglakad. Nang makarating kami sa likuran ng building nila ay doon na niya ako hinarap.

Napansin ko ang paglandas ng tingin niya sa akin. Lumapit ako sa kanya at tinitigan siya sa mata. For the first time in how many days I've finally let out a word. Nagulat sila Kier nang marinig nila ako kanina ngunit hindi na nila ako hinabol. Mukhang nagtataka rin sila dahil sa biglang pagpapakita ni Freyr.

"Kumusta ka?" mahinang tanong ng lalaki. Nagtaka ako nang ibang-iba ito sa buo niyang boses. Tila nag-iingat siya.

Hindi ako umimik. Pinagmasdan ko si Freyr nang mabuti. May sugat ito sa gilid ng labi. Mabilis niyang tinago sa likod ang mga kamay nang pumunta roon ang tingin ko.

He wet his lips. "Yeuxia..."

Nagsalubong ang mga kilay ko. Seryoso ko siyang tinignan. I'm not angry at him because of his absence these past days, I know he has his reasons, but I need to know it. Isa pa, ang ginawa niya kanina. Bakit niya iyon ginawa?

"Sorry, Yeux."

"C-can you explain?" I asked.

Nabigla ako nang hawakan ni Freyr ang siko ko at maingat akong hinila. Hinayaan ko siya. Walan umiimik sa aming dalawa hanggang makarating kami sa parking lot.

Mabilis niyang isinuot ang helmet sa akin. Napakapit ako sa kanya nang pinaharuot niya ang motor. Natagpuan ko na lang ang sarili sa seaside park kung saan din niya ako dinala noon.

"Sinisisi ko ang sarili ko."

Nakatitig si Freyr sa malawak na dagat. Bumuntong hininga ito bago siya nagpatuloy sa pagsasalita. "Pakiramdam ko hindi ko nagawa ang promise ko sa'yo."

Ramdam ko ang tono ng pagsisisi sa bawat salitang sinasabi ni Freyr. Malungkot ang buong mukha niya nang humarap siya sa akin.

"I failed, Yeux."

Agad akong umiling. Wala siyang kasalanan sa nangyari. Umawang ang bibig ni Freyr nang kunin ko ang kamay niya. Naitikom niya ito nang hawakan ko ang namumula niyang knuckles. Mukhang bagong bago ang sugat niya roon habang mayroon ding sugat na papagaling na.

"Anong nangyari rito?"

Nalipat sa pulso ni Freyr ang hawak ko nang dalhin niya ang kamay sa mukha ko.

"To punish me."

"Freyr."

Tipid na ngumiti sa akin ang lalaki. Napapikit ako dahil sa init ng kamay niya. I miss his presence.

"Hindi ka raw nagsasalita nang ilang araw. How come?"

Nagkibit ako ng balikat. Kahit ako kanina ay hindi rin makapaniwala sa sarili ko. Dahil sa pagiging overwhelm ko sa lahat ng emosyon kanina, sa kanya lang natuon ang pansin ko. Sobrang gaan para sa akin ang pangalan niya kaya kusa na lang itong dumulas sa dila ko.

Freyr chuckled when I hugged him. Pabiro ko siyang hinampas sa dibdib. Tahimik akong umiyak habang hinahaplos niya ang buhok ko.

"Akala ko nawala ka na..." I sobbed.

"Paano naman iyon mangyayari?"

"Ewan."

Humalakhak siya. Mukhang gumaan na ang mood niya.

"Nasasaktan ako na makita kang ganoon, Yeuxia."

Hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya.

"I promised to protect you." Ngumiti ako. You didn't fail your promise, Freyr. You just protected me today.

The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon