Chapter 13

91 4 0
                                    

Lie

Madaling lumipas ang araw. Thursday came at kinailangan kong bumalik ng campus dahil may bagong delivery ng libro sa library at napagbilinan kami ni Ma'am Legacy na ayusin 'yon.

Pagkarating ko sa library ay naroon na si Fiona. Hindi na rin ako nagulat na kasama niya si Kier na sinalubong ako ng usual niyang malapad na ngiti.

"How's the vacation week, loves?" Inakbayan ako nito pagkatigil ko sa harap ni Fiona. Umismid ako nang pisilin niya ang ilong ko.

"Okay lang, taking advantages to earn money."

Lalong lumapad ang ngiti ng lalaki. Tila ba may lumiwanag ang mukha nito dahil sa sagot ko.

"Tamang tama 'yong panahon, sumama ka sa'min mamaya ni Fiona para naman ma-enjoy mo 'tong break," anito at kinurot naman ako ngayon sa pisnge.

Fiona moved her eyebrows to persuade me. I heaved a sigh and nodded. Ilang sandali pa ay dumating na ang magdedeliver ng libro kaya hindi na humaba ang usapan naming tatlo.

The whole morning ay nag-ayos kami ng libro sa library. At as usual ay puno iyon ng pag-aasaran ng dalawa. Miminsan ay sinasali nila ako ngunit kadalasan ay pinapanuod ko lang sila. I never really expected na my last year in high school ay makakahanap ako ng kaibigan tulad nila. They are not really weird, they are too nice.

"Anong gusto mo, Xia?" Kier asked me while holding the menu. Nasa isang restaurant kami ngayon dito sa mall. But it's actually an affordable restaurant.

"Tulad na lang ng kay Fiona," ani ko.

Nagbalik balik ang tingin sa'ming dalawa ni Kier. Sa huli ay tulad din sa amin ang inorder niya. It's actually Kier's treat again tulad noong Science Week kaya tinulad ko na lang kay Fiona ang inorder ko.

Alam kong wala lang kay Kier ang ginagastos niya ngunit nakakahiya pa rin, ramdam ko ring nahihiya si Fiona kahit hindi niya sabihin. From Fiona's stories, Kier came from a well-off family but because of his bubbly and friendly personality, it's not that obvious.

"Mahirap ba 'yong science subjects niyo, Yeux?" tanong ni Fiona habang minimix ang palabok.

"Oo, kung hindi ka makikinig at mag-aaral nang mabuti."

Umawang ang labi ni Fiona. She nodded at me with amusement written on her face. Magkaiba sa akin ay management ang specified subjects nila Fiona at Kier. Masyadong malayo sa specified subjects na kinuha ko.

"Hindi ba magastos 'yong sa inyo?" ako naman ang nagtanong.

Nakikinig lang sa aming dalawa si Kier na kumakain na. Palabok, moist cake, at softdrinks lang naman ang inorder namin.

"Para sa'kin, medyo, minsan kase 'yong practicals namin mula sa sariling bulsa."

Hindi naman ganoon kahirap sila Fiona. Ayon sa kuwento niya sa'kin ay teacher ang Mama niya habang nasa ibang bansa naman ang Papa niya. Iyon nga lang ay pito silang magkakapatid at siya ang pangtatlo. May asawa na ang eldest nila samantalang graduating naman sa college ang pangalawa. Kaya nga siya nagpapart time sa library dahil gusto niyang hindi humihingi ng pera para sa school expenses niya.

Nagpatuloy kami sa pagkain. Nang makatapos ay dumiretso kami sa timezone dahil daw iyon ang totoong pag-enjoy ayon kay Kier.

"Ako na nga, Fiona, malas mo eh."

Sinamaan ng tingin ni Fiona si Kier nang pinalitan siya nito sa pwesto niya sa harap ng clawing machine. Kanina pa kami rito pero wala pa ring nakukuha si Fiona. Gusto niya kase ang stitch na plushie nasa loob noon.

The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon