Chapter 6

151 4 0
                                    

Comfort

"Kanina ka pa ba?"

Freyr suddenly came out of nowhere. Umiling ako sa kaniya.

"Hindi naman."

Tumango ito bago ako pinasadahan ng tingin. Nakasuot ako ng jogging pants at simpleng t-shirt.

"Bakit?" tanong ko rito nang bumalik ang tingin niya sa mukha ko.

Tumaas ang sulok ng labi niya. "Wala, tara na?"

Nauna na siyang maglakad. Sumunod ako sa kaniya hanggang makaabot kami sa gilid ng 7/11. Pumunta siya sa tabi ng isang nakaparadang motor.

"Tara na, Yeuxia," ulit nito nang mapansing natigilan ako sa tabi.

Agad akong pumanhik para lumapit sa kaniya. Bigla ako nitong inabutan ng isang helmet. Kinuha ko naman ito sa kamay niya.

Nauna siyang sumakay sa motor niyang sakto lang ang taas. Sigurong pinasadahan niya ako ng tingin kanina para i-check kung komportable ang suot ko sa motor. Naguguluhan ko pa siyang tinignan dahil hindi siya nagsuot ng helmet.

"Sa'yo na 'to." 

Inabot ko sa kaniya ang helmet na binigay niya sa'kin. Kinuha niya naman ito sa'kin. Ang bilis niyang kausap.

Pero nagulat ako nang sa'kin niya sinuot ang helmet. Hindi na lang ako nagreklamo at umangkas na sa motor niya nang maayos niya ang helmet.

Alas dos nang hapon kaya hindi na rin ganoon ka-init ang sikat ng araw. Ilang minuto ang lumipas bago kami tumigil sa harap ng isang lumang maliit na bahay. Agad akong bumaba mula sa motor at hinubad ang helmet. Nang maipark na ni Freyr ang sasakyan sa gilid ay nauna itong pumasok.

Nasa downtown na kami. Ngunit malayo na masyado sa mga tindahan at halos walang tao sa parteng ito. Pansin ko ring squatter area na ang nasa dulo nitong lugar. Isinawalang bahala ko na lang ang lugar kung nasaan kami at sumunod na sa loob. Sumalubong sa'kin ang munting sala na mayroong dalawang sofa. May mga nakakalat pa na gamit sa sahig.

"Freyr, nandito ka na!"

Inakbayan ng isang lalaking pamilyar sa'kin si Freyr. Hindi man lang umimik si Freyr at umupo sa sofa.

"Yeuxia, upo ka."

Naglakad ako patungo sa sofa nang biglang pumunta sa harapan ko ang lalaki kanina. Siya ang lalaking nagsundo kay Freyr nang nakaraan, 'yong may tattoo sa dibdib.

"Oy chix ni Freyr," nantutukso nitong wika.

Iniwasan ko siya at dumiretso sa isang sofa na walang nakaupo.

"Aray!" sigaw ng lalaki nang batuhin ito ni Freyr ng boxing gloves. Nginisian lang ito ni Freyr.

Silang dalawa lang ba ang nandito? Akala ko ba ay group project?

"Papunta na raw sina Dean at Joseph," wika ng lalaki na tila nabasa ang iniisip ko.

"Miss, ako pala si Bins," pakilala ng lalaki na umupo sa tabi ni Freyr.

Nakangiti ito nang malawak sa'kin. Pansin kong goofy itong tao kahit ang angas niyang tignan kung tutuusin. Mas marami siyang piercing kumpara kay Freyr at agaw pansin din ang tattoo niya sa dibdib.

The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon