Epilogue

61 4 1
                                    

The Sun's Out

Palakas nang palakas ang mga boses habang papalapit ako sa playground. Sumalubong sa akin si Sir Deo na nakaupo sa wheel chair niya at nagbabasa ng isang international novel.

"Hi, Sir!" I greeted him.

Ibinaba niya ang suot na reading glass at sinipat ang tingin sa akin. I smiled sweetly at him.

"Yoyo, ikaw pala!" he cheerfully greeted me.

I tapped his shoulder and continued to walk along the pathway. Lumawak ang ngiti ko nang pumuno sa mga tenga ko ang mga boses na araw araw ko rin namang naririnig.

"Lilipad na ako!"

Vida raised her fist upward and run in circles. Sinundan naman siya ng iba niya pang kalaro habang si Jeno ay natatawang nanunuod mula sa wheel chair nito.

"Kids!" I clapped my hands to get their attention.

Natigil sila sa ginagawa at sabay sabay na lumingon sa akin.

"Doc!" Agad na kumapit sa akin si Vida nang makalapit ako.

"Mommy Yo!" bati ni Kisa.

"Doc!" si Kelvin.

Nginitian ko sila at dinala sa bench na nasa gilid. Naroon si Jeno na ngumiti nang makita ako.

"Are you having fun?" I asked them.

"Yes po," they answered all together.

Hindi na rin sila nakapaglaro ulit nang sunduin ng nurses ang tatlo at naiwan sa akin si Vida. Tinignan ko ang relo at saktong-sakto na oras na.

"Vida, let's go?" Inabot ko ang kamay sa bata.

She's a seven years old girl kaya hanggang bewang ko lang siya. Humawak siya sa kamay ko kaya nag-umpisa na kaming maglakad pabalik sa loob ng hospital.

"We will be fighting the monster again," I told her.

Ngumuso ang bata. Ngunit agad iyong napalitan ng ngiti nang dumating ang doctor na nakaasign talaga sa kanya.

"Doc Liam!" Yumakap siya sa legs nito.

Natawa kaming dalawa ni Liam sa ginawa ng bata. He crouched to face her.

"Are you afraid?" he asked with a gentle tone.

Malungkot na tumango ang bata. Bumuntong hininga ako. Nilapitan ko silang dalawa.

"We're with you, Vida. We will fight the monster together, okay?" Kinuha ko ang kamay niya at marahan iyong hinaplos.

Tumango siya at ngumiti sa amin ni Liam. Pinanuod ko silang dalawa nang magkasama silang pumasok sa room kung saan ginagawa ang chemotheraphy ng bata. She's so young yet she's so brave.

"Nakatulog siya," salubong ni Liam nang makalabas siya sa chemo room. Sinilip ko si Vida at nakitang malambing itong natutulog sa loob. Napangiti na lamang ako.

"She's getting better."

"I know that she really will. Matapang 'yon eh." We chuckled.

Naghiwalay kami ni Doc Liam nang makarating kami sa office ko. Dumiretso ako sa loob at agad na tinapon ang sarili sa swivel chair ko. Pumikit ako para magpahinga saglit dahil sa pagod.

Hindi naglaon ay binuksan ko rin naman ang mga mata dahil naalala kong may lakad pa pala ako. Inaantok kong nilibot ang mga mata sa kabuuan ng office ko. My heart pounded when I reached the plaque with my name on the edge of my table.

The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon