Chapter 12

101 4 0
                                    

Plans

Malawak akong nakangiti na pumasok sa bahay. Hawak ko sa kanang kamay ang box ng donuts na bigay ni Freyr habang sa kabila naman ang binili kong palabok at puto kay Mang Gabo.

Walang anino ni Mama sa sala kaya dumiretso na ako sa kusina namin. Agad kong pinatong sa mesa ang mga dala ko. "Ma?"

Walang sumagot sa'kin. Pinuntahan ko ang nakasalang na kaldero sa de uling naming pugon. Kumukulo na ang tubig na laman nito. Siguro ay nagpaplanong magluto si Mama ng ulam.

Pinuntahan ko ang nag-iisang kwarto kung saan kami natutulog ngunit wala rin siya roon. Wala rin siya sa likod ng bahay kung saan siya palaging naglalaba. Nakakapagtaka dahil wala naman siyang lakad ngayon at halatang bagong kuha lang ang sinampay na nasa basket sa gilid ng kusina.

Palabas na ako ng bahay nang humahangos na nakasalubong ko si Mama. Magulo ang buhok nito at hinahapo pa. Agad ko siyang dinaluhan.

"Ma, saan ka galing?" 

Umawang ang bibig niya, tila ba hindi niya inasahan na maabutan niya ako sa bahay nang ganitong oras. Tinignan ko ang orasan, quarter to five pa lang.

"Yoyo, ang aga mo ngayon," hinahapo nitong wika habang dali daling sinuklay ang magulo niyang buhok gamit ang kamay. 

Inalalayan ko siya papasok at pinaupo sa sofa. Doon ko lang napansin na may supot ng sirang vase ang nasa lapag. Nang tignan ko ang center table naming kawayan ay wala na roon ang nag-iisa naming vase.

"Nalooban ba tayo, Ma?" Umiling si Mama. Bumuntong hinga ito bago hawakan ang dalawa kong kamay.

"Sorry, Yoyo, hindi ko siya napigilan, kinuha niya ang pambili ng pangsinigang ko sana ngayon," paiyak nitong saad. Agad akong napapikit nang magets ko ang ibig niyang sabihin.

Parang may tumusok sa dibdib ko sa sitwasyon ni Mama. Hindi na nito napigilan ang luha dahil kusang lumabas iyon sa mga mata niya.I gave her a hug to offer comfort. Today is supposed to be a joyous occasion for her, as it's her birthday. However, that man managed to ruin it. Ngayong araw pa talaga.

Dalawa lang kami ni Mama ang magkasama sa buhay dahil hindi na umuuwi sa amin ang walang hiya kong Tatay. May iba na siyang pamilya at doon na siya namamalagi. Ngunit tulad namin ay naghihirap din sila, isa pa ay adik sa sugal ang lalaking iyon. At kapag nagigipit siya sa pera ay siyang pag-uwi niya rito, humihingi ng pera kay Mama, kapag ayaw naman siyang bigyan ni Mama ay sinasaktan niya ito o kaya ako ang sasaktan niya.

"Bumili pala ako ng itlog, anak. May dalawa ring paa na fried chicken, " wika ni Mama nang tumahan na ito. Inangat nito sa ere ang supot na hawak hawak na hindi ko napansin kanina.

I touched her hair. Matamis akong ngumiti sa kaniya. "May binili rin akong palabok at puto, Ma, 'yong paborito mo."

Tumayo ako mula sa sofa. Sumunod naman si Mama sa'kin papunta sa kusina. Napalitan ng saya ang lungkot sa mukha niya nang makita ang nasa ibabaw ng lamesa. Pinihit ko ang isang upuan mula sa mesa. Umupo naman doon si Mama.

Kinuha ko ang dalawang itlog na nasa supot at nilagay ito sa kaldero ng kumukulong tubig. Kumuha na rin ako ng pinggan at kutsara at dinala iyon sa mesa. Nanunuod lang sa'kin si Mama habang may ngiti sa labi niya.

"Happy Birthday pala, Ma, sabi ni Mang Gabo." Titig na titig pa rin siya sa'kin habang nilalabas ko mula sa supot ang palabok at puto.

"Huwag kang mawala sa'kin, Yoyo," bigla niyang wika. Napatigil ako sa ginagawa at binalingan siya ng tingin. Agad akong napangiti dahil sa malambot na tingin sa'kin ni Mama.

"Ikaw ang huwag mawala sa'kin, Ma."

Araw ng linggo ay ako ang nag-offer na mamalengke dahil maraming labahan si Mama. Isang sakay lang naman mula sa tindahan ni Mang Gabo ang palengke. Tinulungan ko pa si Mama sa paglalaba kaya mag-aalas dos na ako nang hapon gumayak.

The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon