This is a heavy chapter. The content may be disturbing and traumatizing.
Truth
"Hindi ko 'yon magagawa."
Hinawakan ako ni Kier sa kamay. Tinanong ko siya tungkol sa paratang ni Madison at tinanggi niya naman. Mas paniniwalaan ko siya kaysa kay Madison na wala namang gusto para sa akin kundi masama.
"Pumasa ka, loves, dahil sa galing mo. Sa talino mong 'yan eh."
"Oo nga, Yeux, kaya mo na ngang sundan si Catriona Gray sa pagiging Miss Universe." Natawa naman kami dahil sa sabat ni Fiona
"Hindi mo ako mapapasali sa pageant, Fiona," wika ko.
Ngumuso naman ang babae.
"Ikaw na lang kaya sumali, Panget." Binunggo ni Kier nang pabiro ang balikat ni Fiona. Pinanliitan siya ng mata ng babae at kinurot sa tenga.
"Nagsalita ang..."
"Oh, Hari ng Siyensya ata ako!" putol ni Kier sa sasabihin ni Fiona. Lalo akong natawa sa kanilang dalawa. Nanalo kase itong si Kier nang Science Week sa pageant na sinalihan niya.
We are currently in the School Garden at tapos na maglunch. May kaunting oras pa naman kami bago pumunta sa library. We are still working there, hanggang sa katapusan na iyon ng klase. There is a month left.
"Loves, my parents own the Sarmiento Hospitals." Sumeryoso ulit si Kier. Natahimik naman kami ni Fiona para hayaan siyang magkwento. Fiona probably didn't know about this too.
"Well, apparently noong nakaraang taon lang siya pinamana ni Grandpa sa Mom ko," pagpapatuloy niya.
Tipid na ngumiti si Kier. "The scholarship program have been the company's project for a long time. They value integrity, excellence, and honesty. Hindi ako basta basta makakahingi ng favor kay Mama para dayain ang result. The permit I got for you that day was from the staff."
"Paano mo nalaman na nawala ang permit ko?"
"I was in the campus that day. Nakita kong tinapon ni Madison ang permits mo, hindi mo na nga lang magagamit pa 'yon dahil punit na."
Kinuyom ko ang mga kamao. Siya pala ang kumuha ng permit ko.
"May alitan ba kayo ni Madison? O nagseselos siya dahil gusto ka noon ng boyfriend niya?" Umiling ako kay Kier. Girlfriend na kase ngayon ni JM si Madison.
Kumunot naman ang noo ni Fiona na parang may inaalala. "Kinuha niya ang wallet mo nang nakaraan 'di ba?"
"Masama talaga ang kutob ko dun. Is she bullying you, Yeux?"
Hindi ko sinagot si Fiona. Mas mabuti pa rin ngayon na hindi na sila madamay pa sa kung ano mang mayroon sa amin ni Madison. However, I cannot listen to her when she said na layuan ko si Freyr. I absolutely cannot. Isa pa ay nangako ako sa kanya na tutulungan ko siya sa kaso ni Kallista.
"What's your memory of her?"
Ginawa ko ang maabot ng makakaya ko para alalahanin ang lahat ng memorya ko kay Kallista.
"She's one of the most silent person in class. Palaging nasa gilid, tahimik na nakikinig. Halos wala ngang nakakarinig ng boses niya sa mga kaklase namin."
Tumango ang lalaking inspector habang sinusulat ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko.
"Magkaklase kami simula nang grade 8. I heard she was a transferee at that time."
Tinignan ng lalaking inspector si Freyr at sumenyas naman si Freyr na tama ang sinabi ko. Narito kami ngayon sa pad ng lalaking police inspector sa kaso ni Kallista. Freyr said they are collecting more informations about Kallista. Halos natanong na rin nila ang lahat ng naging kaklase niya.
BINABASA MO ANG
The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)
JugendliteraturThe Trilogy #1 Yeuxia is bullied. Freyr is a bully. Yeuxia is smart and an achiever. Freyr comes from the lowest section of their batch. Yeuxia has no friends. Freyr has. Yeuxia gets lost in the thoughts of her dreams. Freyr gets lost in the mystery...