Wanted
"Yeuxia, sandali!"
Napausog ako sa kinauupuan nang pumasok si JM sa tricycle. Malawak siyang nakangiti sa'kin.
"Bye, Yeux!" Kumaway si Daphne sa'kin mula sa labas kay nginitian ko ito. Nagpaalam din siya kay JM na sinuklian ng lalaki ng malawak na ngiti at isang flying kiss.
"Hanggang matapos ba ang school year ang pagtatrabaho mo sa library?" tanong ni JM nang umandar na ang tricycle.
Tumango akong hindi siya binabalingan ng tingin. Dalawa lang kami ang nasa harapang upuan ng tricycle ngunit ramdam kong sumisiksik siya sa'kin.
Sampong minuto lang ang byahe namin mula sa bahay ni Daphne pabalik sa campus. Third day na ng second sem ngayon. Bago na ang mga subjects namin, mas kakaunti na nga lang kaya hanggang alas tres na lang ng hapon ang klase namin.
Ngunit hindi pa ako makakapagtrabaho sa library dahil dalawang araw na rin kaming pabalik balik sa bahay nila Daphne na siyang pinakamalapit sa school para umpisahan ang kailangan sa experimental research namin.
"Yeuxia, kausapin mo naman ako!"
Nakasunod pa rin si JM sa'kin hanggang papunta ako sa library. Hindi ko siya pinakinggan ngunit agad niya rin akong hinabol.
"JM, tigilan mo nga ako," salubong ko sa kanya nang lumingon ako dahil hinawakan niya ang balikat ko.
Ngumuso ang lalaki. Ngunit agad din iyon napalitan ng ngisi.
"Hindi mo pa ba ako sasagutin?"
Pinigilan ko ang sarili na magpakita ng pagkakainis sa kanya. Noon madali lang sa akin na magpigil ng emosyon ngunit ngayon ay nahihirapan na ako. But I can still control myself whenever I'm with people that I'm not that close.
"Hindi, at hindi 'yon mangyayari."
Tumalikod ako para tumuloy sa library. Hinabol pa rin ako ni JM pero hindi ko na siya pinansin. Lalo na dahil maraming estudyante ang nasa daan ang pinagtitinginan na siya. Pati na rin ako.
"Yeuxia, come on!" malakas niyang sigaw nang makaabot kami sa harapan ng admin building at waiting shed.
Kinagat ko ang labi sa frustrations at mas binilisan ang paghakbang. Maraming nakatingin sa'min ngayon lalo na ang mga junior high school students dahil dito ang building nila.
"Gwapo naman ako, matalino, ang tagal na rin kitang nililigawan," nagsusumamong wika ng lalaki.
Napasinghap ang mga taong nanunuod sa amin. Tumigil ako sa paglalakad na siyang kinatigil din ni JM mula sa likuran ko.
"Tangina! Hindi ka ba makaintindi?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na murahin siya. Ilang buwan na ba akong nagtitiis sa kakulitan niya.
Hindi nakasagot agad si JM. Gulat niya akong tinignan na tila ba hindi niya inaasahan ang anumang sinabi ko.
"Minura niya si Kuya JM."
"Ang lakas naman ng loob niyang bustedin si Kuya JM. Eh ang gwapo n'yan."
"Ako na lang kase, Kuya."
"Kapal naman ni Ate. Pahard to get pa."
Binalingan ni JM ang mga babaeng estudyante na nagbubulungan sa paligid. Nahihiya itong ngumiti sa kanila. Nang bumalik ang atensyon niya sa akin ay nakakunot na ang noo niya. Tumaas din ang sulok ng labi nito at pinanliitan ako ng mata.
"Come on, Yeux. Think about it carefully."
"JM, hindi ka na bata para hindi umintindi," I scoffed.
Lalong dumami ang nakiusyuso sa amin at ang mga nagbubulungan. Halos lahat ay siya ang binabanggit at pinag-uusapan.
BINABASA MO ANG
The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)
Teen FictionThe Trilogy #1 Yeuxia is bullied. Freyr is a bully. Yeuxia is smart and an achiever. Freyr comes from the lowest section of their batch. Yeuxia has no friends. Freyr has. Yeuxia gets lost in the thoughts of her dreams. Freyr gets lost in the mystery...