Sunrise
"Mag-iingat kayo."
Niyakap ko si Mama bago ako lumabas ng bahay. Binati ng mga kaibigan ko si Mama nang sinamahan ako nito sa labas. Bins is waving his hand, Fiona smiled widely, and Kier pressed his lips against my mother's cheeks. May pinaalala naman si Mama kay Freyr na hindi ko narinig pa.
"Mag-iingat kayo!" sigaw ni Mama ulit nang isarado na ni Dean ang pintuan ng back seat.
Muli akong ngumiti kay Mama bago nakaalis ang sasakyan. Siksikan kami ngayon dito sa loob ng van na sa pag-aari ng pamilya ni Dean. We are going to Freyr's province for a trip.
Si Fiona ang nasa passenger seat. Magkatabi naman si Bins at Kier sa pinakalikod na siyang nauuna sa pag-iingay. Pinapagitnaan naman ako nila Freyr at Joseph.
Alas-nyebe na nang umaga nang marating namin ang sementeryo. Tahimik kaming dalawa ni Freyr sa unahan habang sila Bins naman ay napagtripan na tignan ang mga pangalan sa mga libingan na nadadaanan namin.
"Kapag magkakaanak ako, sa sementeryo talaga ako pupunta!"
"Gago, bakit?"
"Para maghanap ng name suggestion. Bulok na 'yang sa mga libro!"
Napailing na lang ako. Lakas talaga ng trip. Natahimik sila nang makarating na kami sa sinadya namin. Nakangiti kong nilapag ang mga bulaklak para sa kanila ni Kallista at kay Tita.
"Hi, Kalli! Hi, Nay!"
"Hi, Tita!" sabat ni Bins.
Freyr pursed his lips. Hinayaan niyang matapos ang bati ng mga kaibigan namin bago magsalita ulit at kinausap ang Nanay niya at kapatid.
"Kallista, nakikita mo ba kami? Kung nasaan ka man ngayon, salamat. Alam kong ikaw ang dahilan kung bakit nagtagpo kami ng kuya mo. Siguro nga hiniling mo talaga kay Lord 'yon," I talked to her.
"We are content right now. I hope that wherever you are, you are content as well." I smiled to myself.
"Kalli, alagaan mo si Nanay diyan," si Freyr. We tilted our heads and our eyes met accidentally. My heart is in peace.
Dumiretso kami sa isang beach resort pagkatapos ng ilang oras namin pinamalagi sa sementeryo. Kumain muna kami ng tanghalian at nagpahinga hanggang gumabi. May night event sa resort kaya sa gabi na namin piniling lumabas.
The tables and chairs are scattered on the beach front. May mga nakasabit na fairy lights sa mga puno at sa mga halaman sa paligid. There are some who are night swimming. May mga tents namin sa paligid at mini-bar kung saan marami nang tumatambay.
Malaki ang bilog na mesa kaya nagkasya kaming lahat. Napangiti na lamang ako dahil naalala ko ang mga alaala namin sa school garden. We have the same position.
"Yeuxia, iinom ka ba?" si Joseph.
I grinned while nodding. They cheered me as Joseph and Kier left to place our group's order for drinks and food. Kaunti lang naman dahil hindi naman ako drinker. Isa pa ay nais kong makipagsayahan si kanila ngayon.
Umingay ang buong resort nang mag-umpisa ang tugtugan. Halos puno ang bawat lamesa na nasa paligid. Nag-umpisa na rin kaming mag-inuman nang dumating na sina Kier.
"For our success, cheers, guys!"
"Graduate na tayo!"
"Yehey!"
"We are adults na!"
"Shit, adulting is coming!"
We bumped our botles to each other. Lumagok ako sa inumin ko. Nahuli ako ni Freyr na ngumiwi nang ilapag ko ang bote sa lamesa.
BINABASA MO ANG
The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)
Teen FictionThe Trilogy #1 Yeuxia is bullied. Freyr is a bully. Yeuxia is smart and an achiever. Freyr comes from the lowest section of their batch. Yeuxia has no friends. Freyr has. Yeuxia gets lost in the thoughts of her dreams. Freyr gets lost in the mystery...