Help
"I have an announcement, guys, huwag muna kayong umalis."
Halos gumuho ang mundo ng mga kaklase ko nang tumayo si Daphne sa gitna. 'Yong mga nakatayo na kanina ay napilitan umupo ulit.
Katatapos lang ng huling klase namin ngayong araw kaya halos excited na silang lahat na umuwi.
"It's about sa Science Week next week."
Nang marinig ng mga kaklase ko ang sinabi ni Daphne ay naging attentive silang lahat. Normal lamang iyon, halos paboritong subject ng mga kaklase ko ang science.
Kaya hindi na nakakapagtaka na hindi nahirapan si Daphne sa mga kailangang sumali sa mga activities dahil sobrang invested ang mga kaklase ko. In my part ay mabuti 'yon dahil hindi ko planong sumali roon.
"We also need three representatives for the quiz bee."
Tinuro ni Daphne ang sarili. "I decided to volunteer, also Madison agreed to join me."
Naghiyawan ang mga kaklase ko nang tumayo si Madison mula sa upuan nito.
"Panalo na tayo diyan!" sigaw ng kaklase kong lalaki mula sa likuran. Halos sumang-ayon naman ang lahat.
"We need another one, and Madison and I agreed to choose Yeuxia."
Umangat ang tingin ko mula sa mesa. Nakangiti sa'kin si Daphne mula sa harapan. Ang mga kaklase ko naman ay nasa akin ang atensiyon.
"Yeuxia, sumali ka na. Ang talino mo sa Physics eh," sigaw ni Crisha.
"Oo nga, Yeuxia," sabat naman ng pinakabata sa klase.
"I have to—"
"She will join of course," pagputol ni Madison sa sasabihin ko.
Nang tapunan ko ito ng tingin ay nakataas ang kilay nito sa'kin habang ngumingisi.
Malakas na naghiwayan ulit ang mga kaklase ko kaya hindi na ako makapagsalita.
Sumalubong sa'kin ang nakangiting si Fiona nang makapasok ako sa library. Wala ng tao maliban sa aming dalawa. Alas-singko ay sarado na ang library para sa mga studyante.
"Hi, Yeuxia!" Tinanguan ko ito.
Pinatong ko ang backpack sa lamesa at dumiretso sa lagayan ng mga panlinis namin.
"Excited na ako para sa Science Week."
Nakasunod sa'kin si Fiona mula sa likuran. Siguro ay may sasalihan siya next week.
"May sasalihan ka?" tanong ko rito.
Ngumingiti itong tumango. "Sa quiz bee."
"Good luck." Tumango ito ulit sa'kin at patalon-talon na pumanhik sa isang lamesa kung nasaan ay mga librong naiwan.
Napailing na lang ako. Pumunta ako sa pinakasulok na table area. Kinuha ko ang dalawang libro roon at binalik sa tamang lagayan nito. Hindi talaga marunong bumalik sa pinagkuhanan ang ibang mga estudyanteng pumupunta rito.
BINABASA MO ANG
The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)
JugendliteraturThe Trilogy #1 Yeuxia is bullied. Freyr is a bully. Yeuxia is smart and an achiever. Freyr comes from the lowest section of their batch. Yeuxia has no friends. Freyr has. Yeuxia gets lost in the thoughts of her dreams. Freyr gets lost in the mystery...