Chapter 4

151 4 0
                                    

Friends

"Good job, class. Maganda ang lahat ng performance niyo. Dahil diyan, I'm dismissing you early for your lunch break." 

Pumalakpak ang lahat sa klase dahil sa sinabi ni Sir Rogelio.

Katatapos lang namin ngayon ng group report na naabutan ng ilang weeks dahil sa haba ng oras para idiscuss ang term paper namin. It's actually like a lesson discussion pero kami ang magppresent ng lesson imbes na si sir.

"Anyway, congrats sa outstanding papers, to the group of Ms. Fantillian, Ms. Denave, and Ms. Sandoval."

Tumayo ang group nila Madison na umani ng masigabong palakpakan sa mga kaklase ko. Ganoon rin ang president naming si Daphne at ang mga kagrupo niya. Kahit isa ako sa binanggit ay hindi ko na inatubalang tumayo.

Isa sa rason kung bakit halos hawak sa leeg ni Madison ang mga kaklase ko ay dahil isa siya sa top students. Palagi silang nagkokompetensya ni Daphne.

Palihim akong ngumiti. I'm happy because I'm performing well in the class, hindi mawawala ang scholarship ko sa akin.

"Kumusta ang scores mo, Yoyo?" tanong ni Mama habang nasa hapagkainan kami.

"Nasa top 5 pa rin po kung tutuusin."

Ngumiti siya nang malapad na yumakap ng saya sa puso ko. Pansin ko ang pagod sa mukha niya dahil ilang daang damit ang kalalaba niya pa lang pero parang hindi niya 'yon alintana.

"Pagpatuloy mo lang, Yoyo. Maaabot din natin ang pangarap mo."

Tumigil ako sa pagkain at hinarap si Mama. Inabot ko ang kamay niyang nakapatong sa lamesa. "Opo." Nginitian ko siya nang malawak.

Yoyo ang palayaw na binigay sa akin ni Mama galing sa pangalan ko na Yeuxia. Mukhang panlalaki pero nasanay na rin naman ako mula pagkabata.

Pangarap naming dalawa ni Mama maliban sa maginhawang buhay ang pagiging doctor ko. Pero dahil sa sitwasyon namin sa society ay ang paggraduate ko ng high school ang mas importante. Dahil kung sino man ang nagsabing hindi hadlang ang kahirapan sa pag-aaral ay nagkakamali siya. It is and it will always be.

Hindi pa ako sigurado kung makakapagtuloy ako sa college. Kung hindi man ako makakuha ng scholarship ay titigil muna ako sa pag-aaral at maghahanap ng trabaho. Kung makakaipon din naman at makapag-aral ako sa college ay hindi ko na itutuloy ang pagdodoctor. Mahirap lang naman kami at kurso iyon ng mga mayayaman.

Malapit na kaming makatapos sa pagkain nang biglang nagring ang cellphone ko. Pumunta ako sa sala saglit para sagutin ito. Sa hindi inaasahan ay ang kompanya ng present scholarship ko ang tumatawag.

"Hindi po ba puwedeng next year na lang po. Kailangan ko talagang makagraduate ngayon..." naiiyak na pagmamakaawa ko sa kausap.

Narinig ko ang papalapit na yabag ni Mama mula sa likod kaya hinarap ko siya.

"Sorry, Ms. Sandoval, this is the best thing that we can do."

Nang binaba niya ang tawag ay nanlulumo akong napaluhod. Agad akong dinaluhan ni Mama nang yakap kahit hindi ko pa sinasabi sa kaniya ang pinag-usapan namin. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko. Tuluyan na akong naiyak nang lalong hinigpitan ni Mama ang yakap niya sa'kin.

"Wala na akong scholarship, Ma."

Ilang araw kong pinakiusapan ang company ng scholarship ko para magpumilit. Sa huli ay napilitan silang bigyan kaming mga scholars nila ng fifty percent bago nila tapusin ang scholarship program na ino-offer.

The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon