Chapter 5

144 4 0
                                    

Aid

"Hindi mo talaga siya jowa?"

"Hindi talaga?"

Tinaasan ko ng kilay si Fiona na nakatingin sa'kin. Ngumiti ito bago ibalik ang librong inalis niya para makita ako para magtanong.

Nagpatuloy ako sa paglinis nang ilang sandali pa ay bigla na namang nagpakita si Fiona mula sa kabilang side ng cabinet.

"Sure ka ba? Baka dinedeny mo lang kase lowkey ka'yo?" 

Bumuntong hininga ako bago tumalikod at naglinis sa kabilang cabinet. Dalawang araw na niya akong tinatanong tungkol kay Freyr. Ang unang sagot ko sa kaniya ay ganoon na rin ang huli. Kaso nga lang hindi ata siya naniniwala.

"Sagutin mo na kase ako, Yeux."

Nilingon ko ang babae nang bigla itong pumasok sa aisle kung nasaan ako. Nakangiti ito sa'kin habang papalapit.

Anong tawag niya sa'kin? Yeux? She gave me a nickname.

"Wala kaming relasyon, Fiona," pasuko kong sagot sa kaniya.

Akala ko ay magtatanong pa siya ulit tungkol sa kinukulit niya ngunit ilang minuto rin siyang tumahimik.

"Eh magkaibigan?" biglang tanong nito ulit.

Patuloy ako sa pagpunas. Pagkatapos nito ay puwede na akong makauwi.

"Hindi rin." Natigilan si Fiona sa pag-aarange ng libro. Kinuha ko ang chance na 'yon para lumipat sa susunod na aisle.

We are not really friends. Dalawa tao lang kami na may pinagkakasunduan para sa pansariling benefit. Pangalan niya nga lang ang alam ko sa kaniya. Just Freyr.

"Hindi jowa, hindi rin magkaibigan. Pero magkasabay umuuwi, tinutulungan din sa acads."

"May ganoon ba? Ano tawag doon, strangers with benefits?"

Iniling ko ang ulo dahil dinig ko pa rin si Fiona kahit nasa kabila ito.

Lumipas ang ilang minuto ay natapos na kaming dalawa sa pag-aayos dito sa library. Pumunta ako sa mga gamit ko na nasa isang lamesa sa sulok. Inaayos ko ang bag ko nang bigla na lang may pumasok.

"Ang lakas ng ulan," wika ni Kier na dire-diretso sa paglakad sa loob ngunit pinigilan ito ni Fiona.

"Bakit?" naguguluhang tanong nito. Inismiran ito ng babae at tinulak palabas.

"Tingnan mo, nang-iwan ka ng dumi sa loob oh! Basa 'yong sapatos mo!" 

Tinuro ni Fiona ang sahig. May nga marka nga ng sapatos ng lalaki.

Napakamot na lang ng ulo ang lalaki at hindi na nagpumilit pa na pumasok. Nang dumungaw ako sa labas ay umuulan pa rin. Isinawalang bahala ko na lang at nagpatuloy sa paglakad palabas dahil pasado alas-sais na ng gabi.

"Uuwi ka na? Ang lakas pa ng ulan?" tanong ni Fiona sa akin na siyang nagpupunas pa ng sahig.

"May payong naman ako."

Hindi na siya sumabat pa at tinapos ang ginagawa. Nang makalabas ako ay sumalubong sa'kin ang nakangiting si Kier. Nang tignan ko ang paligid ay malakas pa rin ang buhos ng ulan.

"Patilain mo kaya muna ang ulan, Yeu." Bago na namang tawag sa'kin.

Tumabi sa akin si Kier na nakatingin din sa paligid. Sabay silang umuuwi ni Fiona kaya hapon hapon 'tong nandito.

The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon