Revelation
Isa. Dalawa. Tatlo.
Halos tatlong taon na ang nakakaraan nang naging kontrobesyal na pangalan sa buong paaralan ang Kalllista Gimenez. Ang pangalan niya noon ang bukambibig ng lahat, naging hot topic sa social media, at kahit sa ibang paaralan ay naging usapin iyon. Ilang buwan din siyang naging topic hanggang maglaho na lang nang parang bula ang isyu.
She was found in the very end of the campus. In the stockroom, which is now an abandoned building. Ang sabi ng iba ay nagpakamatay raw. Ang hinala naman ay may foul play na nangyari. Ilang buwan rin iyon inimbistigahan ng school at ng tatay ng biktima ngunit hindi rin natukoy ang kinahihinatnan ng kaso. Ang sabi ay nahuli na raw ang may sala at hindi na lang pinapubliko. Meron namang naging chismis na binayaran raw ang mga imbistigador kaya naisara ang kaso. Mayroon ding sumuko na lang daw ang pamilya ni Kallista.
However, I don't know why I am in this situation right now. Wala akong alam sa nangyari kay Kallista. Lalo na at nang nangyari ang bagay na iyon ay wala ako sa school. My mother knows that. So how come? Paano ako naging prime suspect?
"Ms. Sandoval, do you know this name?" tanong ng lalaki na sa tingin ko ay isang police inspector, dalawa sila ng babae. Tinuturo niya ang pangalan ni Kallista na nasa papel.
Tuamango ako. "Kilala ko siya dahil sa mga chismis nang nakaraang tatlong taon."
"Pero wala akong kinalaman sa nangyari sa kanya."
Tumaas ang sulok ng babaeng inspector sa akin. Nagtinginan ulit sila ng lalaki.
"Ms. Sandoval, magsabi ka ng totoo. Sabihin mo lahat ng nalalaman mo," wika ni Ma'am Luercia na lumapit sa amin. Umupo ito sa single couch na kaharap ko.
My breathing hitched. Parang sasabog na ngayon ang puso ko dahil sa kaba. Nagugulo na rin ang utak ko. Dahil kahit anong halukay ko rito ay wala akong mahanap na memory tulad ng kwento nila tungkol sa nangyari kay Kallista.
"Wala po talaga akong alam," mahina kong saad.
"Paano po ba ako naging prime suspect dito?"
Umapos ng upo ang babae. Nakadungaw kase ito sa akin kanina.
"May nakuha kaming cctv tape. Ikaw ang huling kasama ni Kallista roon mismo kung nasaan siya natagpuang walang buhay,'' ani ng babaeng inspektor.
I tried to remember. May araw akong naalala. Binalingan ko ng tingin ang babaeng inspektor at nang magtagpo ang mga mata namin ay napalunok ako. I keep my emotionless face before I started to recall things from the past.
"Magkaklase po kami noon ni Kallista. May mga times po talagang pumupunta kami sa stock room dahil inuutusan kami..."
Ibinaba ko ang tingin sa center table na nasa pagitan namin.
"Pero wala po ako nang nangyari ang pagkamatay niya. Totoo ang sinasabi ko. Kahit tanungin niyo pa ang Mama ko, nasa hospital ako nang araw na iyon."
Nagring pagkatapos kong magsalita. Ibig sabihin ay umpisa na ng huling period ngayong umaga. Tinignan ko ang dalawang inspector, nagtitinginan na naman sila ngayon na para bang isa iyong paraan para mag-usap sila.
"Pwede na po ba akong umalis?"
Ang babae ang tumango sa akin. Magalang akong nagpaalam sa kanilang tatlo bago ako lumabas ng guidance office. Maingay ang hallway habang naglalakad ako pabalik sa science department. Malakas pa rin ang tibok ng puso ko ngayon na pinipilit kong kinakalma sa paghugot ng malalalim na hininga. Sana naman ay hindi na nila ako ipatawag pa ulit.
Maingay ang room pagkadating ko. Tahimik akong bumalik sa direksyon ni Josh kung nasaan ay nag-iisa pa rin siya roon. Nagtytype pa rin siya sa laptop.
"Anong nangyari?" tanong nito.
BINABASA MO ANG
The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)
Teen FictionThe Trilogy #1 Yeuxia is bullied. Freyr is a bully. Yeuxia is smart and an achiever. Freyr comes from the lowest section of their batch. Yeuxia has no friends. Freyr has. Yeuxia gets lost in the thoughts of her dreams. Freyr gets lost in the mystery...