Fight
"Kilala niyo ba si JM?"
Bumaling sa akin ang tingin ni Freyr. Nakangisi namang tumingin sa'kin si Bins. Tapos na kaming lahat sa pagkain maliban kay Fiona na kumakain ng gummy bears na nakita kong binigay sa kanya ni Dean kanina.
"Ano lang, Yeux," panimula ni Bins. "Pinsan ng kaklase namin," dugtong pa niya.
Tinignan ko si Joseph at ngumiti ito sa'kin. Agreeing at what Bins said.
Pagkaligpit namin ng mga gamit ay agad kaming pumunta ni Fiona sa library. Katulad ng nakasanayan ay kasama namin si Kier. Habang sila Freyr naman ay may pupuntahan pa raw.
"Hoy, bakit mo kinuha! Akin na nga 'yan!!" Inabot ni Fiona ang supot ng gummy bear na kinuha ni Kier mula sa kanya.
Nakangisi naman ang lalaki habang lalong tinataas ang kamay. Matangkad si Kier kaya hindi talaga ito kayang abutin ni Fiona. Nilampasan ko na lang sila at naunang pumasok sa library dahil nasa labas na kami.
"Yeux, narinig mo ba 'yong tungkol sa gulo kahapon?" salubong agad ni Fiona nang tumabi ito sa'kin. Palagi naman siyang nagkekwento tungkol sa mga nangyayari rito sa school. Sadyang madalas ko lang makalimutan dahil hindi ako interesado.
Nagpatuloy ako sa pag-aarange ng libro sa aisle kung nasaan kaming dalawa. Si Kier naman ay nagwawalis sa sahig dahil iisang student pa lang ang nasa library at nasa pinakasulok.
"Balita ko kase may nagsuntukan daw kahapon doon sa Mabini Building, tapos taga section 21."
Napalingon ako kay Fiona sa sinabi niya. Iyong Mabini Building ang tawag sa building ng mga nasa lowest sections. Sa building nila Freyr.
"Sino raw?"
Alanganing ngumiti sa'kin si Fiona. "Sila Freyr daw."
Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Ilang beses na bang nasangkot sa gulo si Freyr na may alam ako. First was when we first met, then the latest ay 'yong sumugod ang mga kaaway nila at binantayan ako sa eskinita papunta sa tambayan nila. Hindi pa ako sigurado kung iyon nga ang huling nasama sila sa gulo, siguro ay hindi ko lang alam.
"Sangkot din ba si Dean?" tanong ko kay Fiona.
Tumango ang babae.
"Pero ang babait naman nila eh. Parang hindi ako mapaniwala doon sa chismis," ani Fiona.
Pinagmasdan ko si Fiona. Mukhang hindi ito makapaniwala sa kwentong sinabi niya.
"Paano kung totoo nga, Fio?" I asked her.
Fiona pouted. Napahawak ito sa panga niya at tila may malalim na iniisip. "Ayaw ko namang magjude na lang basta basta."
Tipid akong ngumiti at pinagpatuloy ang ginagawa. Bumuntong hininga si Fiona sa tabi ko.
"But if it's true, parang hindi ata ako matuturn off kay Dean," kinikilig na sabi ng babae. "Hindi naman talaga silang masamang tao."
Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan si Fiona sa kung anong sinabi niya. What she just said is actually true. Kahit na ako na nakita na ang ganoong side nila Freyr ay hindi rin kailanman naisip na masamang tao sila. People are just too fast to judge.
Pagkatapos ng shift namin sa library ay bumalik ako sa room na may dala-dalang libro na hiniram ko na siyang may nakita akong information para sa background na ginagawa namin ni JM. May naisip kase akong idugtong sa nagawa namin kanina.
"Yeuxia!"
Tumayo si JM mula sa kinauupuan niya sa harap nang makapasok ako ng room. Ngumingiting kumaway sa'kin si Daphne at maliit na ngiti ang ibinigay sa'kin ni Josh. Mag aala-una na kaya halos lahat ng mga kaklase ko ay nasa silid na.
BINABASA MO ANG
The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)
Teen FictionThe Trilogy #1 Yeuxia is bullied. Freyr is a bully. Yeuxia is smart and an achiever. Freyr comes from the lowest section of their batch. Yeuxia has no friends. Freyr has. Yeuxia gets lost in the thoughts of her dreams. Freyr gets lost in the mystery...