Chapter 28

48 4 3
                                    

Exam

"F-freyr..."

Sumiksik ako sa leeg niya. Binuhos ko ang lahat ng luhang gustong lumabas sa mga mata ko. Alam ko sa sarili kong hindi ako ang may gawa. Hindi ako ang may kasalanan. Pero nasasaktan pa rin ako na isipin na ako ang tinuturo nila. Lalo na at ang pamilya ng biktima ay isa sa mga taong pinakamalapit sa akin.

"Yeux, alam ko."

Umiyak ako lalo nang maramdaman ko ang mainit na palad ni Freyr sa likuran ko. "Alam ko, Yeux. It's not you."

Hindi na ako nagsalita pa. Ilang minuto ring ganoon ang posisyon namin ni Freyr sa sahig bago ako tumahan. Nang umalis ako mula sa pagkakasandal sa dibdib niya ay tipid siyang ngumiti sa akin.

"Can we talk now?" he asked with a sweet voice, trying to calm me.

Kumpara kanina ay tumigil na ako sa pag-iyak. Naunang tumayo si Freyr at tinulungan naman niya akong makatayo. Hawak hawak niya ang kamay ko habang ginagaya ako para makaupo sa kama. Pinanuod ko lang siyang pulutin at ibalik sa mesa ang mga nahulog na papeles bago siya bumalik sa kinaruruonan ko.

Naglabas si Freyr ng panyo bago umupo sa tabi ko. He made me face him. Naestatwa na lang ako sa pagkakaupo nang magsimula siyang idampi ang panyo sa ilalim ng mga mata ko. He wiped my face dry.

"Salamat," mahina kong saad.

Freyr then combed my hair using his hands. He is staring at me with so much gentleness while I'm just watching him silently.

"Are you calmer now?" he asked.

Tumango ako. Freyr has really this effect on me na kaya niya akong pakalmahin, na kaya niyang iparamdam sa akin na safe ako, na pinapaniwalaan niya ako. I've read the report a while ago and my name is on it. So why? Bakit niya pa rin nagawang maging ganito sa akin?

"Why, Freyr?"

Bumaba ang mga mata ni Freyr sa mukha ko. "Anong bakit?"

"Bakit hindi mo sa akin sinabi? Bakit hindi mo ako kinompronta?"

Umayos ng upo si Freyr. "I've received the report during the midterm week. That was not the right time to talk about...this."

I bit my lower lip while he continued to speak. Kumakabog pa rin nang malakas ang dibdib ko. Una niya talagang inisip ang sitwasyon bago magdesisyon. Mas una niya pa akong inalala kesa sa sarili.

"Yeuxia, I know you can't do that."

I faced my thighs. Humugot ako ng malalim na hininga. "Hindi man lang ba pumasok sa isip mo na ako talaga 'yon? Paano kung ako nga?" mahina kong tanong.

Mahinang tumawa si Freyr.

"Hindi," matigas niyang sagot. Warmth enveloped my heart. It felt like an assurance.

Napalingon ako kay Freyr nang hawakan niya ang panga ko at igaya paharap sa kanya. His gazed gently at me again.

"Don't worry, Yeux, hindi ka na masasangkot sa kaso. I'm here."

"I'll protect you," mahinahong saad ni Freyr na parang hinehele ako. Sa paraan ba ng boses niya iyon o dahil sa ibig niyang sabihin.

"Then, ano na ang update sa kaso ngayon? Ako pa rin ba ang primary suspect niyo?"

Mapait na ngumiti si Freyr. Tumalim bigla ang mga mata niya na agad niyang iniwas. Nakita ko rin ang sakit na pilit niyang tinatago roon. Kumirot ang puso ko.

"No. Pero hindi pa rin umuusad ang imbestigasyon." Kumuyom ang dalawang kamao ni Freyr.

"Tutulungan kita, Freyr."

The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon