Chapter 29

57 4 5
                                    

Brave

I passed.

"Nakapasa ako, Fiona!!"

"Ahhh!" Sinabayan ako ni Fiona sa pagsigaw dala sa saya habang nagyayakapan at nagtatalon. Hindi matimbang ang saya ngayon sa puso. Nakapasa ako.

"Congrats, Loves!"

Naramdaman ko ang pag-akbay ni Kier na nakisali sa amin ni Fiona sa pagtalon. Lalo akong nahype dahil dumagdag sa ingay ang lalaki.

"Hoy! Lumabas na ba ang result?"

"Gago, bitawan mo girlfriend ko huy!''

Napabitaw kaming tatlo sa isa't isa nang pumasok sa loob ng bahay ang apat. Masama ang tingin ni Dean kay Kier habang nakangiti naman nang malapad si Bins at Joseph. Si Freyr naman ay pabirong kumaway sa akin bago dumiretso sa kusina na may dalang plastic.

"Hun! Pumasa si Yeuxia!" malakas na anunsiyo ni Fiona sabay takbo papunta kay Dean na agad din naman siyang inakbayan. Mahina akong natawa nang umirap si Kier. Halos isang buwan na rin sila ni Fiona at Dean, at natanggap na rin ni Kier 'yon.

"Congrats, Yeux!" Ngumiti nang malapad si Dean.

Dinamba naman ako ni Bins ng yakap. "Ang galing mo talaga. Kaya idol kita eh!" madrama nitong saad sabay ng paghawak sa magkabilang balikat ko.

Humalakhak ako. "Salamat ah."

Matamis na ngumiti si Joseph na siyang binati rin ako at niyakap. Paupo na sana sila sa sofa nang biglang dumating si Freyr sa sala at nagpatulong sa mga gagawin sa kusina. They probably bought food for today.

"Baka hindi tayo magkasya roon sa kusina,'' biro ko.

Freyr let out a low chuckle. "Pwede namang sa bubong na lang si Bins."

"Ang sama." Nagkibit balikat siya at ngumisi. Natawa ako dahil sa reaksiyon niya.

"Congratiolations, Yeux." I smiled widely at him.

Niyakap ko si Freyr na siyang hindi niya naman pinalagan. I closed my eyes and laid my head on his broad chest. Siguro ganito lang ako katangkad para maging ganito kakomportable sa tuwing niyayakap ko siya.

"Thank you," wika ko kay Freyr nang bumitiw ako.

"I'm so proud of you."

He kissed me on my forehead that made me freeze. Bigla na namang uminit ang paligid ko sabay ng malakas na pagtibok ng puso ko. Tinitigan ko si Freyr, sobrang attractive niya ata ngayon sa suot niyang black hoodie at jersey shorts. His hair is also getting long and some strands are already reaching his eyes.

Tila nasa alapaap pa rin ako nang pumunta kami ni Freyr sa kusina. Naabutan naming magulo ang kusina. Ang mga ingredients ay nakakalat sa mesa kung saan naroon sila Joseph at Bins na nags-slice ng mga sahog. Si Fiona naman ay nasa labas na siguro ay naghuhugas ng kaldero. Samantalang nag-aagawan naman ng sandok sila Dean at Kier sa harap ng nakasalang na malaking kaldero.

"Mommy, come here, help us," maarteng sabi ni Bins sa matinis na boses nang mapansin kami nito.

Ngumuso ito nang lapitan siya ni Freyr at pabirong sinuntok sa balikat. "Oh, ikaw na lang, Daddy."

Humagalpak kami ng tawa dahil mukhang natatae si Bins. Masaya ang puso ko buong araw. Sobra ang saya dahil maliban sa nakapasa ako ay kasama ko sila sa pagcecelebrate.

Hindi lang din naman kase dahil sa talino, o kung paano ako nagreview kung bakit ako nakapasa. It's also because of the people around me. Maganda rin pala kapag may sumusuporta sa'yo. So different from my perspective from the past which I opted to isolate myself to study and reach my goals.

The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon