Chapter 26

65 4 0
                                    

Suspect

"Sinundan mo ba ako mula nang umalis kami sa quadrangle?"

Pinatay ko ang cellphone. Tinuon ko ang tingin sa harapan namin. Ang presko sa pakiramdam ng hangin ng desyembre na ramdam ko sa kabila ng sweater na suot.

"Oo," sagot ni Freyr.

Kaya pala inasar siya kanina ng mga kaibigan niya tungkol sa pag-alis sa stage. Siguro ay hindi niya tinapos ang performance nila. Pero hindi ko man lang siya napansin kanina.

"Kung hindi mo lang ako pinigilan kanina," matigas niyang saad. Binalingan ko siya ng tingin at nakakuyom ang kanyang kamay.

"Hindi ka ba natatakot?" tanong ko kay Freyr.

Nagsalubong ang mga kilay niya. Tila ba hindi makapaniwala na tinanong ko sa kanya iyon.

"Bakit ako matatakot?"

Tumaas ang sulok ng labi ni Freyr. "Kung hindi lang babae ang mga kaklase mong 'yon," may laman niyang sabi. Alam kong tinutukoy niya ay sina Madison.

Hindi naman ako ganoon katanga para hindi mapansin na sina Madison ang may gawa nang nangyari kanina. Kasabwat niya rin siguro si JM dahil isa ang boses niya sa narinig ko.

"Ikaw, hindi ka ba natatakot?"

Iniwas ko ang tingin kay Freyr at binalik iyon sa malawak na tanawin. Napatayo ako nang maayos habang nakahawak sa ibabaw ng railings.

"Mas natatakot ako sa sarili ko..." mahina kong saad. "I can be worst than them."

Maraming eksena ang pumasok sa isipan ko pagkatapos. Kaya ko. Kaya kong maging masama. Kaya kong lumaban. Pero mas pipiliin ko na lang ngayon na magtiis. Kaunti na lang naman. Ilang buwan na lang ay matatapos na rin ito.

"Gusto mo bang turuan kita?" biro ni Freyr.

I stiffled a chuckle. "Pwede sa boxing?" Tutal naman ay may boxing bag doon sa tinutuluyan niya.

Tumango siya sabay ng pagtawa. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at sumabay sa kanya. Nagsample pa siya ng kung paano raw ang tamang pagsuntok na lalong nagpatawa sa akin. Freyr can be really this goofy sometimes. And I feel lucky that I see this side of him.

After we have enough fun we both went silent. Freyr once again lean on the railing while facing the town. Napangiti ako.

"Gusto ko talagang makagraduate, Freyr." Humarap ako sa kaniya. "I want to reach my dreams," dugtong ko.

Tinuwid niya ang tayo mula sa pagkasandal sa railings. Marahan niyang pinalandas ang kamay sa buhok ko. Sinalubong ko ang seryoso niyang tingin sa'kin.

"Then do it, Yeuxia."

Tumango ako. Nasa ulo ko pa rin ang kamay niya. Dahil hanggang balikat niya lang ako ay nakaangat ang ulo ko sa kaniya. "Can you protect me forever then?"

Ibinaba niya ang kamay at pinasok sa bulsa ng hoodie niya. Nakangiti siyang tumango.

"Go, spread your wings and fly. I will protect you forever."

I smiled at him. I hope he really will.

"Sinong nandiyan?"

Napaayos ako ng tayo. Magkasabay naming hinarap ni Freyr ang pinanggagalingan ng flashlight.

"Hoy mga bata kayo. Anong ginagawa niyo rito?" sigaw ng lalaking guard habang papalapit sa amin.

Hindi kami sumagot ni Freyr. Imbes ay nagtinginan kami at mukhang pareho kami ng iniisip.

The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon