Chapter 32

36 4 0
                                    

Protection

"Yeuxia, bakit bigla kang nawala ng one week?"

Nagtaka ako nang salubungin ako ni Pamela pagkapasok ko ng classroom. Wala namang nagbago, as usual ay maingay pa rin ang mga kaklase namin at may sari-sariling pinag-uusapan.

"Nag-exam ba kayo kay Ma'am Kiana?" tanong ko sa kanya. Nagulat pa siya sa akin ngunit umiling din naman siya.

Hindi ko sinagot ang tinanong ni Pamela at nilampasan siya para dumiretso sa upuan ko. Ilang araw din akong nasa hospital kaya hindi ako nakapasok. Ang sabi ni Mama ay tinawagan na lang daw siya ng isa sa mga kaklase ko na nahospital ako. Nadulas daw ako at tumama ang ulo ko sa sahig.

Wala akong maalala na ganoong pangyayari. Ang sabi naman ng doctor ay dahil iyon sa pagtama ng ulo ko. Ang lalo ko pang pinagtaka ay wala kaming binayaran sa hospital na pinagdalhan sa akin. May nagbayad na raw ng bill namin.

"Yeuxia!"

Inangat ko ang tingin sa tumawag sa akin. Nabigla ako nang ngumiti sa akin si Madison, our class president.

"Okay ka na ba?" pilit ang pag-aalala sa tono nito.

Walang imik akong tumango.

Since that day Madison has been acting weirdly around me. Even her friends are extra nice around me. I still kept my distance from anyone. Kapag nagtatanong sila ay maikli lang akong sumasagot.

I firmly have this belief that I should keep my own company while I am studying to stay focus. Mahirap makipagkaibigan sa kahit kaninong tao. Mahirap magtiwala. At mahirap makipagbagay sa mga taong alam ko ay ibang-iba sa akin.

Nang araw na ring iyon ko nalaman ang malungkot na balita tungkol sa isang kaklase namin. Kallista Gimenez died. Hindi kami close. Ni wala akong maalalang nag-usap kami maliban na lang kung may mga group projects na magkasama kami.

Gayunpaman ay nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Sa ilalim ng puso ko, nasasaktan ako para sa kanya.

"Yeuxia, gusto mo bang sumama sa first 5?"

Madison beamed at me. Umiling ako sa kanya. "Kayo na lang."

Hindi niya ako pinakinggan dahil hinila niya ako papasok ng court. Nasa gym kami ngayon dahil P.E. class namin. Napilitan akong maglaro bilang kabilang sa first 5 ng grupo namin. Hindi ako marunong magbasketball kaya iniiwasan ko na mapasahan ng bola.

"Ano ba 'yan. Tanga ka ba?"

Tumawa ang mga kaklase naming nanunuod sa pagsinghal ni Madison. Nakapamewang ito at nakataas ang kilay sa akin. Mukhang nanadya na si Madison nang maitulak niya ako ulit sa pangalawang pagkakataon. Magkagrupo kami ngunit sa akin naman siya nakabantay.

"Naglalaro ka ba o nagpapacute ka?"

Humalakhak ang mga kaklase namin dahil sa lakas ng boses ni Madison. Hindi ko siya sinagot at nilapitan na lang ang bag ko na nasa bleacher. Kung naging mabait sa akin si Madison nang huling weeks ng grade 9 namin ay nag-iba siya ngayong grade 10 na kami.

"Baka kase gusto niyang sa kanya ipasok ang bola," natatawang saad ni Rachel.

Bumaling naman ng tingin sa akin si Rain. "Kulang na lang ng ring sa pagiging tuod niya eh."

Humagalpak ng tawa ang apat habang nagpatuloy sa pag-uusap nila. Parang hindi ko naman napapansin na ako ang pinariringgan nila.

"Ang saya naman, magkaklase pa rin tayo."

Ngumisi si Madison sa akin nang magkasalubong kami sa room. Hindi ko na siya sinagot at nilampasan siya. Ngayong senior high school na kami ay magkaklase pa rin kami. I guess I need a longer patience that could last for another two years.

The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon