Chapter 11

102 4 0
                                    

Donuts

Akala ko ang plano lang nilang gawin nila Bins sa grupo ni Madison ay papahiyain ang mga ito nang punuin nila ng lipstick ang mga mukha nito nang byernes. Kaya isa ako sa mga nagulat nang pumasok ang apat sa room na namumula ang mukha.

"Anong nangyari kay Madison?" bulong ng lalaking kaklase ko sa likod.

"Baka nakalimutan niya maglagay ng concealer," sabat ng isa.

"Nasobrahan ata sa blush on."

"Pick me vibes ah."

Marami sa mga kaklase ko ang nagbubulungan tungkol sa kanila ni Madison. Magkasama ang apat na nakaupo sa harapan kaya malaya ang mga kaklase ko sa mga ginagawa nila. Madison has a hold grip around my classmate's neck, but that doesn't stop them to talk about her behind her back. 

Maybe what goes around, comes around.

May mga lumalait, may mga naguguluhan, may mga curious, at mayroon namang ibang walang pake. There are only twenty eight of us sa section two.

Maliban kase sa namumula ang mukha nila Madison ay marami ring pimples na tumubo, at may mga scratches. Bins probably used expired lipsticks kaya ganoon ang naging resulta sa mukha nila.

Bumalik sa ala-ala ko ang nangyari noong byernes. It's actually a whole different situation. Dahil iyon ang unang beses na pakiramdam ko ay kaya kong patulan si Madison. Isa pa ay hindi lang si Freyr ang nagligtas sa'kin that time, Fiona was there, also Bins, Dean, and Joseph.

Alalang alala si Fiona sa'kin nang makaalis kami roon. Dahil ugali niya ang pagiging makulit ay alam kong hindi niya ako titigilan kung hindi ko sasagutin ang mga tanong niya. Dahil ayaw ko siyang madamay at lalong mag-alala, I said na napagtripan lang ako nila Madison. Naniwala naman siya.

Bins, Dean, and Joseph have not said anything to me. Hindi ko alam kung may sinabi sa kanila si Freyr. Pero dahil sa ugali ni Freyr ay siguro walang sinabi ang lalaki. It's possible that they're already aware of the situation based on what they observed.

"Good morning, section two!"

Nabalik ako sa kasalukuyan nang pumasok si Sir Rogelio sa room. Natahimik naman ang buong klase. Sinabihan kami nito na iarrange ang sarili in alphabetical order kaya walang imik kong binuhat ang upuan at pumanhik sa posisyon ko tuwing may exam kami.

Katatapos lang ng Science week ngunit first day na ng midterm namin ngayon. Mabuti nga at gabi-gabi akong nagrereview kahit wala na akong scholarship na hinahabol kaya hindi ako masyadong nagcram nitong weekend.

Buong umaga lang ang exam kaya pagkatapos kong magduty sa library pagkatanghali ay tumambay na ako roon para magreview.

Hapon ang exam nila Fiona ngayong first day kaya ako lang mag-isa ang natira para tumambay sa library. Punuan sa library kaya pinili kong sa desk kung saan kami nag-aasist ng students piniling mag-aral. Pinayagan naman ako ni Ma'am Legacy.

Buong araw nasa library si Ma'am Legacy kaya dahil sa araw araw naming pagtatrabaho rito ni Fiona ay medyo naging malapit ito sa amin. Kahit nga si Kier ay kilala rin nito dahil palagi rin itong nandito dahil hindi iyon maalis alis sa side ni Fiona.

"Anak, Yeuxia, pwede ka bang humingi ng extra monoblock chairs sa warehouse?"

Ngumiti sa'kin si Ma'am Legacy nang tumango ako sa kaniya. Sinara ko ang notebook at inilagay sa bag para hindi ito mawala dahil iiwanan ko lang ito sa desk.

The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon