Chapter 22

61 4 0
                                    

Offer

Dalawang gabi nang pabalik-balik ang tatay ko sa bahay. Kaya wala akong magawa kundi ang panatilihin na patay ang mga ilaw at magtiis sa flashlight ng cellphone ko para gumawa ng assignments.

Ang kapal ng mukha niyang magpakita pagkatapos niya kaming kunan ng pera noong nakaraan. Maybe he knew about my mother. And I guess wala siyang mabuting intensyon.

"Oh, Ramel, saluhin mo!"

Napatigil ako sa pagbabasa ng notes nang maramdaman ang sakit sa ulo ko. Malakas na naghalakhakan ang lahat ng tao sa classroom.

When I lift my head to see kung sino ang may kagagawan noon ay sumalubong sa'kin ang mukha ni JM na nakatayo sa harapan at nakaplaster ang malaking ngisi sa mukha. "See?" he mouthed.

Iniwas ko ang tingin. Patuloy pa rin sa tawanan ang mga kaklase ko. Wala pa kase kaming teacher ngayon dahil vacant namin. Most of our classmates ay bumaba sa canteen para kumain.

Pagkatapos na pagkatapos ng klase namin ay gumayak kami ulit sa bahay nila Daphne. Kami mismo ang nagtanim ng halaman na need naming obserbahan. Matagal tagal din itong process ngunit nasisiguro rin naman naming makakagawa na kami ng full blown research before the semester ends.

"Yeuxia, kunin mo nga 'yong balde na may tubig?"

Agad akong pumunta sa poso sa paanan ng garden kung nasaan kami. Binuhat ko ang hindi kalakihang balde na pinakuha ni JM.

"Eto." Inabot ko kay JM na nakatayo sa harapan ng linya ng mga pots ang balde. May ngisi sa mga labi nito.

Napaatras ako palikod nang bigla niyang hawakan ang pulsuhan ko. I felt sticky dahil sa basang lupa sa kamay niya.

"Opps." He maked a face nang mabitawan ko ang balde ng tubig na bumasa sa harapan ng palda ko at sapatos.

Tinignan lang ako ni JM mula ulo hanggang paa bago niya ako binitawan at lampasan. Natatawa niya pa akong binangga sa balikat.

"Yeuxia, hey! Anong nangyari?" Agad na dumalo sa akin si Daphne na kalalabas lang ng kusina nila. Nasa likod kase kami ng bahay nila nagplace ng pots kung saan konektado sa kusina nila.

Pinulot ko ang balde na nasa lupa. Mabuti na lang at hindi nasira. "Daphne, sorry. Nalaglag ko kase."

Napunta sa baldeng hawak ko ang mga mata ni Daphne. Kunot noo niyang kinuha sakin iyon ngunit hindi niya naman doon binaling ang pansin.

Tinuro niya ang basa kong palda. "Halika muna sa loob, papahiramin kita ng damit."

Hinila ako ni Daphne papunta sa loob ng bahay nila. Hindi na ako nakaalma dahil sa higpit ng hawak niya sa'kin. Walang imik namang tinignan lang kami nila Madison, Rachel, at Rain na nasa sulok lang at nagkekwentuhan.

Tinanggap ko ang jogging pants at t-shirt na binigay ni Daphne nang makapasok kami sa kwarto niya. Nagpalit agad ako dahil nilalamig ako sa basa kong palda. Pati na rin ang pang-itaas kong uniform ay pinalitan ko na.

"Hindi ka na ata gusto ni JM." Hindi iyon tanong, but a statement from Daphne.

I squared my shoulders. Nakaupo si Daphne sa dulo ng kama niya at nakatingin sa'kin. Hindi naman mahalaga sa akin kung gusto man ako ni JM o hindi. Hindi ko naman gusto na gustuhin niya.

"Mabuti nga iyon," sabi ko kay Daphne.

"Sorry dahil sa kanya, Yeux."

Tipid kong nginitian si Daphne. Wala naman siyang kasalanan. Though I appreciate her. Maliban sa matalino itong si Daphne ay mabait naman talaga siya. She's one of the person who is genuinely sincere towards me.

The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon