Chapter 23

51 4 0
                                    

Dreams

Hindi kami natuloy sa pagkain ng street foods sa kabilang kalye. Suprisingly, we went to a night market sa downtown. Maraming stalls na nag-ooperate roon tuwing gabi dahil malapit na magpasko. Marami ring tao ang bumibisita at may iilan pa ngang mga foreigners.

"Try mo 'to masarap."

Freyr pushed the plate in my direction. Magkaharap kami ngayon habang nakaupo sa pagitan ng mesa kung saan nakapatong ang mga pinamili naming pagkain. Dito na kami naghapunan.

Kumuha ako sa kaldereta na inalok sa akin ni Freyr. Hinalo ko ito sa kanin ko bago ko tikman.

"Masarap," I said, smiling. Puno ang bibig ni Freyr sabay ng pagngiti rin sa akin.

Nilibot namin ni Freyr ang iba't ibang stalls at shops. Byernes ngayon at walang pasok bukas kaya maayos lang na magpagabi kami. Hindi pa kami napagod dahil dinala ako ni Freyr sa isang seaside park na nasa dulo lang ng downtown.

Bitbit namin ang supot na may lamang softdrinks habang tinatahak ang upuan sa dulo ng kalsada. May iilang jeep na dumadaan, maliwanag ang paligid dahil sa napakaraming street lights. Pinili namin ni Freyr ang hindi kaliwanag na lugar.

"Saan ka umuuwi, Freyr?" tanong ko habang sinisipsip ang straw ng softdrinks.

Umupo si Freyr sa tabi ko. May mga upuan kase sa tabi ng kalsada na rectangles na gawa sa semento. Kasya roon ang apat na katao.

"Doon sa bahay na pinupuntahan mo."

Umawang ang bibig ko. Akala ko tambayan lang nila 'yon. Tinignan ko si Freyr na gulat. Tumawa siya nang mahina sa reaksyon ko.

"I live alone, Yeux."

It's another shocking news for me. But what can I expect from someone like Freyr? Ngayon ko lang naalala ulit na hindi ko pala siya ganoon kakilala. I don't even know his last name. For months that I knew him, I became too comfortable that his name is enough for me to know.

Sino nga ba talaga si Freyr?

"Why?"

Tumingin si Freyr sa malawak na dagat sa harapan namin. Maliwanag ang malaking buwan na nasa langit. Kitang kita ang repleksyon nito sa tubig. It's very calming to witness it.

"I don't have any family left."

My heart twitched when I heard him. Lalo na nang mapansin ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya.

Hindi na ako nagsalita ulit. Tinuon ko ang tingin sa magandang tanawin sa harapan namin. Nakatukod ang isa kong kamay sa inuupuan namin habang hawak hawak ko naman ang softdrinks at sumisipsip dito. Freyr is doing the same.

It's a very peaceful moment. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Ang hampas lang ng alon sa batuhan sa ilalim ng kalsada ang nag-iingay.

Pumikit ako para lalong damhin ang maalat na hangin na humahampas sa balat ko. Marahan akong humihinga.

If a comfort is a place, it would always be Freyr's side. Even from the loudest place to the silent ones. Basta nandyan siya sa tabi ko. And if comfort is a person, it would be him.

"Yeux," he called me with a gentle tone.

A small smile crept on my lips. "Hmm?"

"My name is not Freyr," saad niya.

Eyes wide open, I glance at him. He gave me a sly smile. All along? Hindi Freyr ang pangalan niya?

Napakurap ako nang bigla niya akong pitikin sa noo. Masama ko siyang tinignan bago hawakan at haplusin ang parte na iyon ng mukha ko.

The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon