Chapter 25

56 4 0
                                    

Picture

"Oopps."

I closed my eyes. Ilang beses na akong naapakan ni JM na parang sinasadya naman ng lalaki. Ilang araw na siyang ganito at nagsabi na ako kay Daphne na gusto kong magpalit ng partner ngunit hindi raw pwede. Si Madison daw ang dapat kong tanungin. Hindi rin naman pumayag si Madison.

"Oh, bakit?" tanong ni JM nang bumitiw ako sa kanya.

"Si Madison na lang kaya ipareha mo."

Tinaasan niya ako ng kilay. Tumawa siya nang mahina bago kinuha ang mga kamay ko.

"Arte mo, kesyo sayaw lang naman, Yeuxia," nanunuyang saad nito.

Hindi na ako nakaalma at tinikom na lang ang bibig. Bukas na ang Christmas Blast at eto ang huling araw ng practice namin. Madali lang naman ang steps. Hindi ako dancer pero pipilitin ko na lang na igalaw ang tuod kong katawan. Hindi na rin ako pwedeng magback out.

"JM," matigas kong bulong nang maapakan niya na naman ako.

Inosenteng tumingin sa akin si JM. He blows his cheeks and gave me a sly smile. "Hindi ko sadya."

Green at pula ang theme ng custome namin. Dahil wala naman akong damit para sa pangsayaw ay pinahiram ako ni Fiona. Ibang contest kase ang sinalihan ng section nila at hindi siya kasama sa pagpaparticipate.

Puno ng parol at kung ano anong christmas decorations ang school nang pumasok ako. Marami na rin ang nga students at halos lahat ay papunta sa quadrangle. Nang dumating ako roon ay paumpisa na rin ang program.

"Yeuxia! Ang ganda mo talaga!"

Dinamba ako ni Fiona ng yakap. Napahagikhik ako nang pisilin niya ang ilong ko.

"Minsan ka lang maglugay. Bagay na bagay sa'yo," puri niya.

My face flushed. Nahihiyang binigyan ko siya ng ngiti.

"Sabi mo kase ganito eh." Siya kase ang nagturo sa akin ng gagawin ko sa hitsura ko ngayon.

Hangang hanga na nakatitig sa akin si Fiona. "Ikot ka nga."

She smiled widely at me. Nahihiya man ay sinunod ko ang gusto niya. Umikot ako nang mahinahon nang isang beses.

People around us gasped. May iba pang nagbulungan.

"Bongga, you're so gorgeous...and sexy!"

"Hindi nga ako sanay eh," I frowned.

Nagkibit ng balikat si Fiona. Hinila nito ako papunta sa harapan ng stage. Medyo naiilang ako dahil may ibang tumitingin sa amin.

Isa kaseng backless dress ang pinahiram sa akin ni Fiona. It's top is in color red with intricate designs however it's backless. While the skirt is green and have flares. Ito ang unang beses na nagsuot ako ng ganito buong buhay ko. Pero wala naman akong choice dahil ito lang ang only option ko.

"Ang ganda niya."

"Fire outfit!"

"Si Yeuxia 'yan 'di ba, 'yong sa library. Ang ganda niya talaga."

Pabirong binunggo ni Fiona ang balikat ko dahil sa bulungan sa paligid. Sinidlan tuloy ako ng kaba dahil nag-uumpisa na akong makakuha ng atensyon.

"Good Morning, everyone!"

Umingay ang buong quadrangle nang umakyat sa stage ang dalawang emcee ng event. Hindi na maalis ang kaba sa loob ko dahil eto na, magsisimula na talaga ang event.

Nag-umpisa ang program. Nakita ko ang mga kaklase ko sa kabilang parte ng quadrangle. Katulad ko ay nakasuot na rin sila ng kani-kanilang outfit.

Maingay ang paligid dahil sa sounds. Natapos na rin ang nga speech ng kung sino sino kaya lalong nagwild ang mga nasa quadrangle ngayon. Lalo lang lumakas ang sigawan nang mag-umpisa na sa pagpresinta ang kabilang sa category ng christmas carol.

The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon