Chapter 24

56 4 0
                                    

Presentation

It took us two days para magprocess ng requirements from school. Actually kung ano ang mga requirements sa dati kong scholarship ay ganoon din naman dito. Good moral, birth certificate, at iba pang school records. Ngunit nagkakaproblema ako sa mga papers na kailangan ng pirma ng parent o guardian.

From the past puro si Mama ang pumipirma nito at ngayong wala siya ay hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko rin naman hahayaan na ang balasubas kong Tatay ang pipirma. Lalo na at may bagong gustong magpalaba sa'kin nang nakaraang araw. Hindi ko na rin tinanggap dahil nalaman kong ang Tatay ko pala ang nagturo sa kanila at siya rin ang kumukuha at kukuha ng bayad na dapat ay para sa'kin.

Isang buwan ang duration ng application period. Meron namang qualifying examination sa January. Pero mas mabuti kung maaga akong makakapasa ng requirements. Sigurado kaseng marami ang magaapply at sasalain pa nila ang makakakuha ng exam.

"Ano, Yeux, ayaw pa rin?"

Umiling ako kay Fiona at nanghihinang ibinaba ang cellphone. Nagpakawala ako ng malalim na hininga.

"Yeux! May tumatawag!!"

Sinulyapan ko ang cellphone at agad iyong pinindot nang makita ko ang name ng caller. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Mangiyak-ngiyak na nakatungo sa akin si Fiona.

"Ma..." nanghihina kong saad. Pinipigilan ko ang sarili ko na maging emosyonal.

Ilang segundong tahimik ang kabilang linya. Mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa antisipasyon.

"Yoyo, anak?" a familiar voice rings on my ear. Doon na tuluyang pumatak ang luha sa mata ko.

"Ma, nasaan ka? Okay ka lang ba? Ma, hindi 'yon totoo 'di ba? Ma..." dire-diretso kong tanong.

Huminga si Mama nang malalim mula sa kabilang linya. "Yoyo, okay lang ako. Nandito ako sa Tita Neli mo."

Marahas akong bumuga ng hininga. Hindi siya ganoon kalayo. One municipality away lang siya sa akin. Pinsan ni Mama si Tita Neli at siya rin ang nag-iisang relative niyang malapit sa amin.

"Ma, magkita tayo please..."

"Sige, Yoyo, miss na rin kita."

I waited for Saturday to arrive. Nalaman ni Fiona ang tungkol sa pag-uusap namin ni Mama kaya nagpresinta siyang samahan ako. Freyr knew about it too pero hindi na siya nagpumilit na sumama nang sabihin kong kasama ko si Fiona.

Halos isang oras ang naging byahe namin dahil sa pinakadulo na ng town ang bahay ni Tita Neli. Agad din naman akong sinalubong ng yakap ni Mama nang dumating kami. Hindi ko siya binitawan hanggang makapasok kami ng bahay.

"Ma, okay ka lang ba talaga?"

"Yoyo, maayos lang talaga ako."

Ilang ulit ko na iyong tinanong kay Mama pero hindi talaga ako makapaniwalang okay lang siya dahil pumayat siya. Ibang iba sa kung ano siya bago siya umalis nang nakaraan. Sumasakit ang puso ko kahit na ilang tango na ang naging sagot niya sa akin.

"Ma, umuwi ka na lang kaya. Sabihin natin kay Mrs. Salvacion na hindi mo 'yon ginawa!"

Malungkot na umiling si Mama. Hinawakan nito ang kamay ko. "Yoyo, hindi siya maniniwala. Fri-name up ako ni Melba."

Kinagat ko ang labi. Wala akong magawa kundi sumiksik sa leeg ni Mama habang mahigpit pa rin siyang niyayakap.

"Hindi ko kayang makulong ka, Ma. Lalo na sa bagay na hindi mo naman ginawa," iyak ko sa kanya.

Bumuntong hininga si Mama. Alam kong pinipigilan niya lang ang sarili niyang umiyak ngayon. Hinaplos niya ang ulo ko habang patuloy akong umiiyak.

"Mahirap kalabanin ang mga mayayaman, Yoyo."

The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon