Weird
Pasado alas-otso na nang makauwi ako. Hindi agad ako pumasok dahil hinihingal pa ako mula sa pagtakbo. Madilim kase sa kalsada at halos eskinita ang daan papunta sa bahay. Meron namang daan na mas maliwanag ngunit mas malayo iyon at kailangan ko pang gumastos para sumakay ng tricycle. Nagtitipid ako kaya sa eskinita na lang ako dumadaan araw araw.
Minasdan ko ang bahay namin. Halos sakop ng dilim ng paligid. Iisa lang ang street light na nasa paligid at fifty kilometers away pa kaya hindi ganoon kaliwanag sa labas. Hindi na rin dito abot ang liwanag mula sa main road. Halos hindi rin ganoon ang kaliwanag ang mga kapitbahay namin.
Hindi rin ganoon kaliwanag ang ilaw na mula sa loob ng bahay. Paano ba naman at tatlo lang ang ilaw namin. Isa sa sala, sa kwarto, at sa kusina.
"Yoyo, bakit hindi ka pa pumasok?"
Napunta ang tingin ko kay Mama na kabubukas ng pintuan, nakadungaw siya sa'kin. Napangiti ako dahil bungad ang maaliwalas niyang mukha na mukhang kanina pa naghihintay na makauwi ako.
"Eto na po, Ma."
Pumasok ako sa bahay. Sa maliit pa lang naming sala ay amoy na amoy ko na ang mabangong aroma ng ulam namin ngayong gabi. Siguro malaki ang kita ni Mama ngayon kaya nakaluto siya ng ganitong ulam.
"Gumawa po kase ako ng project sa tindahan ni Mang Gabo, Ma," paliwanag ko at nagmano sa kanya.
Tumango si Mama sa'kin. "Pahinga ka na muna diyan. Ihahain ko lang ang pagkain natin."
Ginulo niya ang buhok. Napahinga ako nang maluwwag nang tuluyan nang nakapasok si Mama sa kusina. Kinosensya ako dahil nagsinungaling na naman ako sa kaniya pero mas mabuti na 'yon kaysa sa mag-alala siya sa'kin.
Isang oras ang ginugol ko sa pag-ayos ng sarili ko kanina sa 7/11 na nasa harap lang ng school namin. Marami akong galos at pasa pero mabuti na lang at epektibo 'yong concealer na binili ko. Pinipilit ko rin na hindi ngumiwi dahil sa sakit ng katawan at braso ko.
"Ang sarap, Ma!" puri ko sa sinigang niya.
Ngumuso ako nang tinawanan lang ako ni Mama. Sumisingkit ang mata nito habang tumatawa. Ilang minuto ay natapos na rin siya sa pagtawa at tumingin sa akin. "Syempre, Yoyo, paborito mo 'yan eh."
Ngumiti ako nang malapad at pinagpatuloy ang pagkain.
Nawala ng sarap ng sinigang at mga tawa ni Mama ang masamang nangyari kanina. Aleast nakauwi pa rin ako ng buhay sa kaniya.
"Why are you late, Yeuxia?"
Nahihiyang tumingin ako kay Ma'am. Lunes na lunes at nalate ako sa first subject. Akala ko kase malalate si Ma'am kaya tinulungan ko pa si Mama kanina sa paglalaba.
"I'm sorry, Ma'am. Hindi na po mauulit."
Tumango siya sa akin kaya pumasok na ako sa room at pumunta sa upuan ko. Nakayuko ako habang naglalakad dahil halos nakatingin lahat ng kaklase ko sa'kin.
"We will start our discussion for today."
Nagsisimula na sa pagdiscuss si Ma'am nang makarating ako sa upuan ko. Handa na akong umupo nang mapansin ang bagay na nasa silya.
BINABASA MO ANG
The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)
Novela JuvenilThe Trilogy #1 Yeuxia is bullied. Freyr is a bully. Yeuxia is smart and an achiever. Freyr comes from the lowest section of their batch. Yeuxia has no friends. Freyr has. Yeuxia gets lost in the thoughts of her dreams. Freyr gets lost in the mystery...