Exhibit
The next day ay walang pasok sa buong araw. But for the plus points para sa paparating na midterm exam ay kailangan kong pumasok.
All of our science teachers required an attendance. Isa pa ay kailangan ko ring magduty sa library. Halos dumoble kase ang dami ng tao ang pumupunta ngayon doon because of the upcoming exam week at free time dahil walang regular classes.
Because may event ay simpleng t-shirt lang at black trouser ang suot ko. Mag aalas nyebe na ako nakarating at sakto namang kasisimula pa lang ng isang sympossium kaya umattend ako. It's about medical field kaya interesado ako.
Pinili kong umupo sa pinakalikuran dahil nakikita ko pa rin naman ang projector at naririnig ang speaker. Nasa gym ginanap ang sympossium tulad ng quiz bee kaya medyo marami rami rin ang narito ngayon.
I was amazed the whole program dahil puro doctor na alumni nitong school ang speaker. I couldn't stop the bubble of happiness within me. Because if I can, I would be like them too, someday.
Na-iimagine ko ang sarili ko na ilang taon mula ngayon ay makakatapak ulit ako rito sa school, hindi na bilang estudyante kundi isa ng ganap na doctor. Kung iisipin ko ang kalagayan ko ngayon ay mukhang malabo. Pero wala namang mali kung mangarap 'di ba?
"Loves!"
Nakangiti sa'kin si Kier na umupo sa tabi ko.
"Pupunta kami ni Fiona sa science exhibit mamaya pagkatapos ng shift niyo sa lib, sama ka dali!" Mahaba nitong lintanya habang nakaakbay ang kamay niya sa'kin. Pansin kong palagi na niya itong ginagawa dahil hindi ko siya sinasaway. Isa pa, I became comfortable with it too.
"Hi, Yeux!" Lumabas ang ulo ni Fiona mula sa likuran ni Kier.
"Sige."
Napangiti nang malapad si Kier at ganoon din si Fiona. Wala naman na akong gagawin pagkatapos ng trabaho sa library maliban sa tumambay doon para hintayin ang hapon.
Nang matapos ang sympossium ay naglunch na kaming tatlo sa school garden. Pagkatapos noon ay sumabay rin si Kier sa'min sa library. Dahil wala itong gagawin ay tumulong na rin ito sa'min.
Pag-aarange lang naman ang libro ang ginagawa namin sa library tuwing tanghali dahil may mga tao pa roon kaya hindi kami makapagwalis at makapaglinis sa mga cabinet. We offer assistance too sa mga students. Kung may pinapahanap silang libro, naglilista kung may hihram ng look o magbabalik.
Excited si Kier na nauna saming dalawa ni Fiona sa paglalakad patungo sa Science Department, ang building namin. It is where our classroom is. First ten section ng both grade 11 at grade 12 ang naroon.
Ang alam ko ay roon dinisplay ang mga science equipment at iba pang mga bagay na para sa science exhibit.
"Tara na!" wika ni Kier habang winawagayway sa'min ang tatlong maliit na papel sa kamay niya.
Nang iabot niya ang isa sa'kin ay ticket pala 'to para makapasok sa loob. Nagpahila ako kay Fiona nang hilahin niya ako papasok.
May mga kasabayan kaming papasok. Sa unang room ay puro skeleton ang nakadisplay, meron ding mga body parts at information tungkol doon.
BINABASA MO ANG
The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)
Teen FictionThe Trilogy #1 Yeuxia is bullied. Freyr is a bully. Yeuxia is smart and an achiever. Freyr comes from the lowest section of their batch. Yeuxia has no friends. Freyr has. Yeuxia gets lost in the thoughts of her dreams. Freyr gets lost in the mystery...