Chapter 1

261 4 0
                                    

Enemy

"Wala na namang araw?"

Masakit man ang kanang braso kong natamaan ng bola kanina ay patuloy kong tinahak ang pasilyo papunta sa public c.r. dito sa school. Natamaan ito kanina nang magspike ang isang kaklase ko na biglang bumulusok sa direksiyon ko kaya hindi ako nakaiwas.

Napapangiwi ako sa sakit dahil ang lakas nang pagpalo niya sa bola pero wala akong magawa kundi tiisin ang sakit hanggang matapos ang time namin.

Agad kong binuksan ang gripo nang makapasok ako sa cr. Mabuti na lamang ay wala ng tao. Uwian naman na at sigurado akong iilan na lang ang natitirang estudyante dito sa campus.

Tinignan ko ang sariling repleksyon sa malaking salamin. Madumi ang mukha ko at P.E. uniform. Kita rin ang namumula kong braso na sa tingin ko ay mamamaga kinabukasan. Mabuti na lang ay hindi ako nabalian.

Tipid akong ngumiti sa salamin. Atleast the day came to its end. Makakauwi na rin ako. Kinuha ko ang cellphone sa bag para tawagan si Mama.

"Oh, Yoyo?" Gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ang malumanay na boses ni Mama.

"Ma, pauwi na ako. Anong ulam?"

Narinig ko ang mahinang tawa niya sa kabilang linya. "Ang paborito mo, anak. Ingat ka sa pag-uwi."

"Sige po."

Binalik ko sa bulsa ng palda ko ang cellphone nang maibaba ko ang tawag. Pinagpatuloy ko ang paglilinis ng sarili at nang makatapos ay bumalik ako sa diamond field kung saan kami naglaro kanina. Iniwan ko roon ang bag ko. Wala ng tao sa diamond field maliban sa top one at class president naming si Daphne.

"Ahmm... Nakita mo ba ang bag ko?" agaw ko sa atensyon niya.

Naalis ang tingin nito sa cellphone niya at napunta sa akin. May maliit na ngiting namutawi sa labi nito.

"Dinala ni Ma'am Valdez sa P.E. room niya, ang tagal mo raw kasing bumalik."

Tumango ako. "Salamat."

Dali dali akong umalis para pumunta sa P.E. department. Hindi ito kalayuan ngunit nasa pinakasulok na ito ng school. Halos wala ng tao sa lahat ng room at mga pasilyong nadaanan ko.

Pasado alas-singko na nang hapon. Madilim ang paligid dahil sa makapal na ulap sa kalangitan. Wala na namang araw na sumisilip bago ito lamunin ng gabi. Mabuti na lamang ay puno ng ilaw ang hallway kaya maliwanag.

Nang makarating ako sa P.E. department ay agad akong tumakbo papunta sa room ni Ma'am. Kumatok ako bago hawakan ang seradura ng pinto. Ngunit pagpihit ko ng door knob ay biglang may humila sa buhok kong nakapony tail.

Napadaing ako dahil sa higpit ng hawak ng kung sino mang humihila sa akin. Gusto ko mang lingunin ang may kagagawan ay wala akong magawa kundi tiisin ang sakit habang kinakaladkad nito ako papunta sa likod ng P.E. room.

Nang marating namin ang ilalim ng napakalaking puno ng mangga ay bigla ako nitong binitawan at tinulak nang malakas sa lupa. Napangiwi ako dahil tumama ang braso kong sumasakit sa lupa.

"Ano b-" Hindi ko na natuloy ang pagsalita nang mamukhaan ko ang taong nagdala sa'kin dito.

"Rachel?"

"Hi, Yeuxia."

She smirked. I gazed at the three girls who showed up from her back. It's her friends, Julie, Rain, and Madison. They are all my classmates.

"So, anong pakiramdam nang tinitira patalikod?" Madison hissed.

Umupo ako sa pwesto kung saan ako tinulak ni Rachel kanina. Inangat ko ang tingin sa kanya. I look at her with a straight face.

The Day The Sun Came Out (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon