Tiffany's POV
"W-what did you just say?"
Narinig niya. Narinig na niya. Sh*t.
"A-ahh.."
"I..... I can't believe it." Parang sinaksak ako ng guilt 'nang makita kong tumutulo ang mga luha niya.
"Daphne..."
Napakawak siya sa ulo niya. "Y-you betrayed me."
Kasabay ng tuluyan niyang pag-iyak ang tuluyan ring paglabas ng mga luha ko.
"I-I...Wait. Ipapaliwanag ko sayo lahat." Hindi naman niya ako pinansin at patuloy lang siya sa pag-iyak.
"I was gonna tell you this. Everything I saw. P-pero bago 'yun, nauna na si Lance na gumawa ng aksyon. Tinakot niya ako na kapag sinabi ko sayo lahat... ibabagsak niya 'yung business ni papa, at ipa-e-expell niya ako."
Napatingin siya sakin at umiling-iling.
"Tapos, tapos nakausap ko si Tristan, Nakabalik na siya galing States. Sinabi niya sakin lahat. Lahat lahat. Lahat ng mga bagay na nangyare noon ng wala akong kaalam-alam. Nalaman ko na minsan na 'rin niyang nahuli si Lance, at nagdecide siyang sabihin 'yun sayo. Pero instead na maniwala ka sa kanya, itinaboy mo siya. Alam ko kung gaano tayo, ikaw, kalapit sa kanya. But despite of that, you chose Lance over him."
Halatang nagulat siya sa lahat ng mga sinabi ko.
Huminga ako ng malalim. "A-after that, natakot ako. Natakot ako na baka 'pag sinubukan kong sabihin sayo 'yung nalalaman ko, itaboy mo rin ako. Na baka masira 'yung friendship natin ng ilang taon dahil lang sa lalaking 'yan. Natakot ako na baka mangyare at maulit satin 'yung nangyare sa inyo ni Tristan. Sorry. Sorry Daphne. Hindi ko-"
"Coward. You're a selfish coward. Hindi ko akalaing ang sarili ko pang bestfriend ang gagawa sakin nito. Ni hindi mo manlang inisip na sa tagal ng pagkakaibigan natin, I never did this to you. Makasarili ka." Tsaka siya umalis 'nung locker room.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulgol nalang ako. Mangyayare rin pala samin. Mangyayare rin pala.
Niyakap lang ako ni Jenikka at pinipilit na patahanin. Kung ako nga eh, hindi ko mapatahan ang sarili ko, siya pa kaya?
Nagstay pa kami ng ilang minuto sa locker room, nang mapansin naming parating pala sila Lance at Jeff.
Nadatnan nila kaming nakaupo sa may bench sa loob.
"Oh? Anong nangya-"
"Ano? Masaya ka na?! Galit na rin siya sakin dahil sa ginawa mo! Kasalanan mo 'tong lahat!" Tsaka ako tumakbo palabas. Sinundan naman ako agad ni Jenikka.
**
"Tama naman 'yung sinabi niya eh. Siguro, naging makasarili ka 'rin 'nang hindi mo agad sinabi sa kanya."
Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya 'yun sakin. Napahinga ako ng malalim. "Arghhh!! Bakit ba kasi nangyare 'to eh. Bakit kailangang lumaki ng ganito 'yung problema nila?! Bakit kailangan pati ako madamay!" Napapa-palo nalang ako sa mukha ko.
"Huwag ka na ngang mag-inarte dyan! Daig mo pa si Nora Aunor sa pagdadrama mo. Wala na eh. Nangyare na. Kaya wag mo nang tanungin ang sarili mo kung bakit nangyare. Ang itanong mo sa sarili mo, ano ang dapat mong gawin para matapos na 'tong kalokohan niyong tatlo."
Grabe talaga makapagsalita 'tong si Jenikka oh. Direct to the point.
Nandito kami ngayon sa isang cafe. Dito na kami dumeretso pagkagaling sa school. Wala naman nang pasok bukas kaya okay lang. Para kahit papaano makalimutan ko 'yung kanina pang gumugulo sa utak ko. Pero kahit gan'un, parang wala namang epekto eh.
BINABASA MO ANG
Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]
Teen FictionPaano pag nalaman mo ang pinakatatagong sikreto ng boyfriend ng bestfriend mo at hindi mo 'yun masabi sa kanya kasi binlockmail ka ng boyfriend nya! Hanggang sa nalaman ng kaibigan mo ang lahat ng ito at sobrang nagalit siya sa inyo ng boyfriend niy...