Tiffany's POV
"Hindi ka pa uuwi?" Nakatingala ako sa langit pero ramdam ko ang pagtingin niya sakin.
Tinignan ko naman siya pabalik. "Pauwi na ako kanina, pinigilan mo lang ako."
Natahimik ulit kami ng ilang segundo. It's getting dark, I should be going home already.
Nagulat ako 'nang tumayo siya bigla.
"Oh? Saan punta mo?"
"Ewan." Sabi niya at nagsimula 'nang maglakad palayo.
Tumayo na rin ako pero hindi ako sumunod sa kanya. Matigas pa talaga sa bato ang ulo nito.
"Lance." Tinawag ko siya.
Huminto naman siya sa paglalakad pero hindi ako nilingon. Hindi ako nagsasalita at nakatayo lang kaya napalingon rin siya sa akin sa huli.
"Go home."
Hindi siya sumagot at pinagpatuloy lang ang paglalakad.
"Hinihintay ka nila. New year's eve na. Gusto mo bang mag-alala sila ulit?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman niya ako pinansin. "Gusto mo bang..... mag-alala ako ulit?" Yumuko ako.
The next thing I knew, he's already in front of me. Pshhhh. 'Yun lang pala ang katapat.
Naglakad na lang kami at habang papunta doon, walang umiimik sa aming dalawa.
Ilang minuto lang at nakarating na kami sa bahay nila. Huminto kami sa harap.
"Ano na?" Tumingin ako sa kanya na nakatitig sa bahay nila.
Huminga siya ng malalim. "Ewan."
Natahimik ulit kami. I looked at my phone and checked the time. Napansin ko rin 'yung mga missed calls galing kay mama.
"Nevermind, huwag nalang." Sabay lakad palayo. What the heck?
"Kung kailan nandito na, tsaka ka naman aatras. There's no turning back. C'mon!" I said pushing him towards the gate.
Napakamot na lang siya ng ulo. 'Nang makalapit kami sa gate, huminto nanaman siya.
"For Pete's sake Lance!" Ako na ang lumapit at bubuksan ko na sana 'yung pinto 'nang bigla itong bumukas.
._.
O_O
"U-ugh..... good evening p-po."
May isang magandang babaeng lumabas galing sa gate nila. Ngumiti lang siya sa akin. Pero 'nung tumingin siya sa likod ko at nakita si Lance, unti-unting nabura ang ngiti niya at kasabay n'un ang pagtulo ng mga luha niya.
"L-lance..... anak."
Nakatulala lang rin si Lance sa kanya. So, she's his mom? Kaya pala.
"Saan ba kasi 'yung pu—"
Naputol ang sasabihin dapat ng daddy niya 'nang makita niya si Lance.
Umalis na ako at nagpunta sa likod. Moment na nila 'to 'no! Ayoko namang maki-epal.
Niyakap siya ng parents niya habang siya, walang ekpresyon ang mukha at nakatingin sa kawalan.
Maya-maya pa, biglang may pumutok na mga fireworks. Kaya napatingin kaming lahat sa langit.
._.
Oo nga pala. Ilang oras nalang, magne-new year na!! Makauwi na nga, kanina pa ako gutom.
"Ah, sige Lance, una na ako. Gabi na rin eh." Paalam ko sa kanya. "Sige po." Ngumiti ako sa kanila at nagbow.
BINABASA MO ANG
Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]
Teen FictionPaano pag nalaman mo ang pinakatatagong sikreto ng boyfriend ng bestfriend mo at hindi mo 'yun masabi sa kanya kasi binlockmail ka ng boyfriend nya! Hanggang sa nalaman ng kaibigan mo ang lahat ng ito at sobrang nagalit siya sa inyo ng boyfriend niy...