Chapter 27

19 1 0
                                    


Tiffany's POV

"Ano ba?!" Pabigla kong binitawan 'yung kamay niya.

"A-aray!" Napahawak siya sa braso niya. May kalmot na mahaba.

"Oh! Anong nangyare dyan?"

Tumigil muna kami 'dun sa gilid ng simbahan. "May mga bwisit na babaeng humatak sa damit ko. Nagpumiglas ako kaya nakalmot ako n'ung isa sa kanila."

I almost laughed. "Baka kasi nang-snatch ka ng gamit." Tumingin naman siya ng masama sa akin.

"Oo nalang." Nagsimula na siyang maglakad ulit. "Kung pwede lang, ha? Huwag ka namang humiwalay sakin. Hirap-hirap mong hanapin eh."

"Wow. Sorry ah! Ikaw na nga lang ang nagpapasama, ikaw pa may ganang magalit."

Bumulong naman siya. "Ba't ba kasi ikaw pa ang isinama ko."

Nakarating na kami sa loob ng simbahan. It seems that everyone's wearing red tonight. Color coding siguro.

Tinanong ko sa kanya kung saan kami magsisimulang maghanap. Pero imbis na sumagot, nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Labo rin nito minsan.

Habang naglilibot naman kami sa simbahan, may napansin akong sumusunod sa aming babaeng naka-red na blouse at mahabang black na palda.

"Lance." Kalabit ko sa kanya. Lumingon naman siya agad sa akin.

"May nanapansin ka bang kakaiba?"

"Bukod sa hitsura mo, wala naman."

I rolled my eyes. "May babaeng kanina pa sumusunod sa atin."

Napatingin siya sa akin at bumulong. "Nasaan?"

Pasimple kong itinuro 'yung babae habang hindi siya nakatingin. Nagkatinginan naman kami ni Lance at pasimpleng naglakad palayo. Pareho kaming hindi tumitingin sa likuran.

Hanggang sa nakarating kami sa pinakasulok 'nung simbahan sa may bandang likuran. Pilit naming tinatanaw kung nand'un pa ba 'yung babae o wala na.

"Wala na ba?"

"Wala na ata."

Sabay kaming huminga ng malalim. "Hayyy."

"Huli kayo!"

"AH!" Napatago siya sa likuran ko. Para 'tong tanga.

"A-ah hello po." Ngumiti ako.

"Kayong dalawa!" Nakapamewang siya. "Hindi na nga kayo sumunod sa color coding ng simbang gabi ngayon, ginagawa niyo pang palaruan ang simbahan! Hindi kayo pumirmi sa isang tabi!"

"P-po?" Nakahanap si Lance ng dalawang upuan na magkapatong. Kinuha niya 'yon at nilagay sa likuran namin. "Naghahanap lang po kami ng mauupuan. H-hehe. Pero nagsisimba po talaga kami. 'Diba Tiffany?" Sabi niya habang pinagpapawisan.

"O-opo totoo po 'yon."

Tinaasan niya kami ng kilay at pumwesto na sa dati niyang upuan. Kada 10 minutes siguro, tumitingin siya sa amin. Kaya wala kaming nagawa kundi tapusin 'yung misa.

Medyo maagang natapos 'yung misa. Nagsimula na ulit kaming maghanap. Program nalang naman 'yung susunod eh. Parang countdown.

Pero dahil patay-gutom ang kasama ko, lumabas muna kami at bumili ng puto bumbong at samalamig.

"Try mong bilisan kumain! Anong oras na oh!!"

Tumingin siya sa akin ng nakapoker-face at nakalobo ang mga pisngi dahil sa dami ng laman ng bibig. Inabot niya 'yung samalamig at puto sa akin. "Troy mo choyo (try mo kaya)."

Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon