Chapter 26

25 1 0
                                    


Tiffany's POV

Natulala lang ako sa mga sinabi niya.

"Ah, Tiffany? Natulala ka ata. Okay ka lang?"

Obvious ba?

"Ikaw? Okay ka lang?" Pabalik na tanong ko sa kanya.

"Maiintindihan mo rin ang pakiramdam ng ganito." Tinap niya ang ulo ko tsaka tumingin sa relo niya. "Ano ba 'yan. Napahaba ko pa usapan natin. Sige, una na ako. Meron pa akong aasikasuhin. Ingat!" Tumayo na siya sa kinauupuan at ngumiti sa akin.

I was left there dumbfounded. Sakto namang dumating si Jenikka.

"Oh? 'Yung kaibigan mong lalaki?"

"Kaaalis lang. Muntik ka 'nang abutin ng new year sa pagsagot lang ng tawag ha." Pang-aasar ko.

"Luh. OA mo. 'Yung tumawag kasi sakin, nandito lang rin pala sa mall na 'to. Nagkita kami kaya natagalan pag-uusap namin. Kayo? Nakapag-usap na ba kayo?"

"Mm, yup."

"Spill."

"Next time ko na sasabihin sayo. 'Pag naiintindihan ko na."

**

Pagka-kain namin, umuwi na rin kami. Medyo maaga pa kaya mababalutan ko pa lahat ng mga pinamili ko.

Halos 30 minutes lang ang biyahe. Hindi naman gan'un kalayo ang mall sa bahay namin eh. Pag-uwi, umakyat na agad ako ng kwarto para magbalot ng mga regalo.

Una kong binalot 'yung regalo ko sana kay Daphne. Kahit alam kong malabong magkausap pa ulit kami dahil sa nangyare, binilhan ko parin si Daphne ng regalo. Ewan, next time ko na poproblemahin kung paano ko ibibigay sa kanya.

"Hayyy."

Gan'un ba talaga katindi ang epekto ng love sa mga taong nagmamahal? Dalawa lang 'yan eh. 'Yung mga taong alam na nga nilang harap-harapan na silang pinagmumukhang tanga, pero hinahayaan lang nila. At 'yung mga taong handang makipagpatayan. 'Yung kahit ikaw pa ang nanay niya, kakalabanin ka niya para lang sa taong mahal niya.

Napatingin ako sa regalo ko kay Daphne. Sana hindi pa siya tuluyang nagbabago. Hindi naman siya gan'un dati. Hindi siya nanggagamit ng ibang tao.

Teka nga, parang masyadong tahimik. Siguro nasanay na ako sa bunganga ni Jeff. Napapangiti nalang ako twing naaalala ko 'yung mga kalokohan nila ni Lance. Nakakamiss rin pala.

Kinuha ko nalang 'yung laptop ko at nanood ng movies.

Ilang oras rin akong nagbabalot ng mga regalo, hanggang sa narinig kong tinatawag ako ni mama. Ano ba 'yan. Hahalikan na sana 'nung bida 'yung kalove team niya eh.

"Bakit po?"

"May bisita ka. Bumaba ka rito."

Who could that be? Wala naman akong inaasahang gagala ngayon. Hmp. Baka si Jenikka. Baka may nadala siyang gamit ko.

Bumaba na ako at dumeretsyo sa pinto. Pagbukas ko, dumungaw ako sa kaliwa't kanan.

"Huh? Wala naman." Si mama talaga.

Isasarado ko na sana 'yung pinto 'nang biglang ayaw masara. Kaya binigla ko.

"ARAY!!"

Nagulat ako 'nang makita ko si Lance na napaupo dahil sa paa niya. "Ay! Sorry, sorry!" Umupo ako sa tabi niya at tinignan kung may sugat.

Nakasuot siya ng jeans, red na jacket, gray na sapatos at beanie. Ba't naman kaya napadpad 'to dito?

Tinignan niya ako ng masama. "Bakit ba kasi kailangang lakasan ang pagsara?"

Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon