Tiffany's POV
"Tara na kase! Bilisan mo tumakbo!"
Hanggang dito dinig na dinig ang boses ni Jeff. Of all the boys I know since elementary, he's the noisiest.
Nandito ako ngayon sa beach na malapit sa resthouse na tinutuluyan namin. Wala, naglalakad-lakad lang, nag-iisip. I kinda hate it though because I tend to overthink things when I'm alone. Kahit na alam kong hindi dapat. Kasi sabi nga nila, when you overthink, you make the worst decisions ever, and those decisions just make things much worse than it actually is.
Naupo nalang ako sa buhanginan habang pinapanood ang sunset. Loner na kung loner. Wala akong pake. Masarap kaya mag-isa. Lalo na kung may pagkain ka.
Problem is, wala akong pagkain.
Pumasok bigla sa isip ko si Daphne. Kasabay n'un ang pagkaramdam ko ng kaba. Ano ba 'yung nagawa ko. Hindi ko nasabi agad sa kanya kasi naunahan ako ng takot. Natakot, tinakot, parang pareho lang naman. Ewan ko ba. Ang hina-hina ko kasi.
Naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Akala ko maghahanap kayo ng mga babae ni Jeff?"
"Ha? Hindi 'no. Bibili lang dapat kami ng smoothie dyan sa malapit na tindahan. Tapos iniwan ko siya para siya 'yung pagbayarin." Pangiti-ngiti niyang sabi habang nakatuon ang pansin sa palubog na araw. "Ba't nga pala nagsesenti ka dyan? Nasaan si Jenikka?"
Sinimangutan ko siya. "Senti ka dyan? Hindi ah. Jenikka? Sabi niya bibisitahin niya muna saglit 'yung mga pinsan niya dito. Pero babalik rin 'yun."
Ilang minuto rin kaming natahimik. Hanggang sa tuluyan na ngang lumubog ang araw kaya medyo dumilim na rin.
"Tsaka."
Napatingin ako sa kanya 'nang magsalita siya ulit.
"Naisip ko na 'yung mga mali ko. 'Yung pinaglalaruan ko 'yung feelings ng mga babaeng nililigawan ko. Akala ko kasi, pare-pareho lang kayo. Paiibigin niyo kami, tapos iiwan. Katulad 'nung—"
I cut him out. "Katulad 'nung ginawa ng mommy mo sa daddy mo?"
Huminga siya ng malalim at tumango. "'Yung time na 'yun na ata ang pinakamasamang pangyayari sa buong buhay ko. Hinding-hindi ko makakalimutan 'yun. Ang nasa isip ko lang n'un, manloloko ako ng mga babae, kasi akala ko, sa pamamagitan n'un, maigaganti ko si daddy."
"Pero hindi naman 'diba?" Tinignan niya ako tsaka siya umiling. "Minsan kasi, naiisipan nating ipaghiganti 'yung mga taong mahalaga sa atin, pero wala rin namang nangyayare. Hindi naman mababago n'un 'yung nakaraan. Nangyare na eh. Ang dapat na ginagawa natin, 'yung ipakita natin sa kanila kung sino 'yung sinaktan o iniwan nila, at iparealize na hindi nila dapat 'yun ginawa sa atin."
Napatingin ako sa langit. Unti-unti nang naglalabasan 'yung mga stars.
"Oo nga eh. Ipapakita ko sa kanya na hindi niya dapat kami iniwan dati."
Hinagod ko 'yung likod niya. "Don't worry, kung nasaan man ang mommy mo ngayon, malamang na pinagsisisihan na niya 'yung nagawa niya sa inyo." Tsaka ako ngumiti. Ngumiti rin naman siya.
"Thank you nga pala." Tumingin siya sakin.
"Hm? Para saan?"
"Kasi... marami kang naituro sa akin. Hindi lang tungkol 'dun sa mga subjects natin sa school. Pati tungkol sa pamilya ko, at sa dapat kong iasal. Tsaka, narealize ko na hindi ko dapat ginamit si Daphne." Sabi niya habang nilalaro 'yung buhangin.
BINABASA MO ANG
Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]
Teen FictionPaano pag nalaman mo ang pinakatatagong sikreto ng boyfriend ng bestfriend mo at hindi mo 'yun masabi sa kanya kasi binlockmail ka ng boyfriend nya! Hanggang sa nalaman ng kaibigan mo ang lahat ng ito at sobrang nagalit siya sa inyo ng boyfriend niy...