Lance's POV
"BOO!"
"Ay p*ta!"
"Hahahahaha!" Jeff? Bwisit naman! Nanggulat pa 'tong ungas na 'to.
"Akala ko ba tagu-taguan? E kami pa naghanap sayo. Hindi mo naman kami hinanap."
"E saan naman kasi kayo nagsitago?"
"Sa tataguan." Sarkastiko niyang sinabi. Hindi naman ako sumagot at tinuon nalang ulit ang atensyon sa picture na hawak ko.
"Hoy! Sino yan!?" Sabay agaw niya 'dun sa picture.
"Akin na nga 'yan!"
"Wow ah. May bago ka nanamang babae. Grabe ka."
"Ano? Hindi ah! Napulot ko lang 'yan dyan sa tabi-tabi. Kaya hindi ko rin siya kilala." Sagot ko naman sa kanya.
"Ikaw ah! Nambababae ka eh may Daphne ka na nga! Lantod mo." Sabay siko sakin ng malakas.
"Aray ah! Gago." Tsaka ko siya sinuntok. Gumanti naman siya at naghabulan kami sa hallway.
Napahinto naman ako bigla 'nang huminto siya at nagtanong. "Pero kung 'di mo 'yan kilala, bakit parang iba 'yung mga titig mo sa picture na 'yan kanina pa?" Ngumisi siya.
Napakunot naman ang noo ko. "Ano bang pinagsasasabi mo?"
Lumapit siya sakin at inakbayan ako tsaka ako binulungan. "Alam mo Lance, lalaki ako, pareho tayo ng kasarian. Kaya alam ko rin kung paano 'yang mga galawan at pagtitig mo."
"Tsaka, ikaw ang pinakamatagal kong naging kaibigan kumpara kila Franz, Marco, at Paolo kaya kilalang kilala kita. Wohohoho." Pagpapatuloy niya. Binatukan ko lang naman siya.
"Gago."
"Aray! Eh, ano ba kasing iniisip mo kanina pa nung nakatitig ka diyan?" Turo niya 'dun sa picture na kanina ko parin hawak. Bumuntong hininga ako at lumunok.
"Ah. Ano kasi. Naalala mo kahapon?"
"Kahapon? Anong meron?"
"Muntik na kong magahasa kahapon."
"Yun lang naman pala e." Mga tatlong segundo rin ang nakalipas bago sya nagsalita ulit.
"ANO!?! MUNTIK KA NANG MAGAHA--" Tinakpan ko ang bibig nya. Lalaki ba talaga 'to? Bakit ang ingay!?
"Sige isigaw mo! Bwisit ka!"
Napakamot naman ang gago sa batok niya."Eh sorry na. Pero? Sino naman? At lalaki ka kaya! Bakit hinayaan mo? Siguro lalaki 'yung nagtangka sayo 'no tapos nabakla ka na!"
Binatukan ko sya ulit. "Aray! Ba't ba batok ka ng batok!!?"
"Seryoso na kasi! Si... si Aimee 'yung nagtanggkang manggahasa sakin. Aimee Bautista. 'Yung head nila Paolo sa MA club." Natahimik siya at mukang nagprocess pa sa utak niya 'yung sinabi ko.
" ANO!? SI AIMEE? SERYOSO!?"
"BA'T BA SIGAW KA NG SIGAW!?!"
"Sorry ulit. O buti napigilan mo? Grabe, ang lakas ng babaeng 'yun."
"Oo nga eh."
"Ano namang kaugnayan 'nun sa litratong 'yan?" Huminga ako ng malalim at mabilis na nagsalita.
"Eh kasi kahapon, habang nangyayare 'yun, may bumagsak na kung ano man. Kaya sigurado akong may tao at may nakakita. Tapos, kanina lang, nakita ko 'tong picture na 'to na pahalang-halang dyan. Kaya baka siya 'yung nakabagsak ng gamit na 'yun at nakita niya lahat ng nangyare."

BINABASA MO ANG
Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]
Teen FictionPaano pag nalaman mo ang pinakatatagong sikreto ng boyfriend ng bestfriend mo at hindi mo 'yun masabi sa kanya kasi binlockmail ka ng boyfriend nya! Hanggang sa nalaman ng kaibigan mo ang lahat ng ito at sobrang nagalit siya sa inyo ng boyfriend niy...