Chapter 9

62 5 4
                                    

-Flashback-

"Daphne, M-mahal kita. Matagal na."

She bursted into laughter. "Tristan? Are you insane?! Ano bang nakain mo?"

"Seryoso ako. Hindi ako nagjojoke." Nawala 'yung ngiti sa mukha niya at napalitan ng pagkunot ng noo.

"Pero... Si Lance ang mahal ko."

"Makinig ka sakin. Niloloko ka ni Lance."

"W-what are you talking about?"

"Hindi ko siya sinisiraan. Nakita ko siya kahapon sa likod ng gym na... na may kahalikang babae."

"Will you stop? Tigilan mo ko."

"Please. Listen. Ayokong masaktan ka. Ayokong masaktan ang taong mahal ko."

"Shut this fuck up, Tristan." Lumuhod ako sa harapan niya.

"Please. Please kahit ngayon lang, listen. Hindi ko 'to sinasabi sayo para maghiwalay kayo at mapunta ka sakin. Sinasabi ko 'to kasi ayokong ikaw ang magmukhang talo sa huli."

"No! That's not true! Stop. Bakit ka ganyan? Kahit ano pang gawin mo, hinding hindi mo kami masisira ni Lance."

"Pero Daphne--"

"He loves me, and I love him too. Kung wala kang magandang sasabihin, mabuti pang, mawala ka nalang."

Mawala ka nalang

Mawala ka nalang

Mawala ka nalang

Mabuti pang, mawala ka nalang

--

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.

"A-ano? Pero, bakit hindi ko alam? Bakit wala akong kaalam-alam? Bakit hindi manlang niya sinabi sakin?" Napatigil ako sandali. "Kaya ba... kaya ba bigla ka nalang umalis?"

Tumango siya. "Lumipat nalang ako hanggang sa makamove on. Ayoko na rin kasing humaba pa at maging issue. Sinubukang kong sabihin sa kanya hindi dahil gusto ko sila sirain. Sinubukan ko, kasi ayaw kong magmukha tanga at bulag ang taong mahal ko ng mahabang panahon. Kaso nga lang..." Ngumiti siya. Pero may lungkot sa mga ngiting 'yun. "Hindi siya naniwala sa akin." Awa ang naramdaman ko 'nang sabihin ni Tristan 'yun. Lumapit ako sa kanya at hinimas-himas ang likuran niya. Kaya pala, hindi niya na pinasama si Daphne sakin na magpunta dito.

"Ayos lang 'yan. Hindi lang naman si Daphne ang babae sa mundo." Tumingin naman siya sakin.

"Goodluck. Sana this time, paniwalaan ka niya." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Pero dahil sa narining ko, parang mas lalo akong natakot. Baka gustuhin nalang din ni Daphne na mawala ako kung sasabihin ko sa kanya. Wala naman kasi siyang pinaniniwalaan pagdating sa boyfriend niya.

Natatakot na ako.

**

"He's here. Aaaahhh!"

"Oh Sht! Ang gwapo talaga ni Ayala!!"

"OMG he's so hot."

"Shut up girls. He's mine."

Ano nanamang kaguluhan 'to? Aga-aga parang may welgang nagaganap sa campus.

Papunta kasi ako ngayon sa bookstore. Sa wakas. Tapos na ang exams. Wala 'nang stress, at sa wakas rin, nakapagpahinga ang utak ko.

Pero dapat pala umiba nalang ako ng daan. Ano ba kasing meron?

Tumingkayad ako para makita ko kung ano yung pinagkukumpulan ng mga babae sa hallway. Sabi na nga ba. Lance. As usual. Twing wala ang girlfriend, pacute ng pacute sa iba. Sarap sagasaan ng bulldozer.

Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon