Tiffany's POV
"Anong baho?"
"A-ahh." Nagkatinginan kami pareho ni Lance. Bakas rin sa mukha niya ang kaba.
"A-ano. S-sinasabi ko lang sa kanya na ang baho ng kwarto niya. Oo. Hindi ba 'to nilinisan ng mga nurse?" Kunwaring tanong ko kay Lance.
"Hindi pa eh. Oo nga maalikabok. M-mabuti pa umuwi na kayo babe. Pagabi na rin oh."
Kumunot ang mga noo ni Daphne. Pero tumango rin naman. "Oh okay."
Nagpaalam na siya sa boyfriend niya at sa daddy nito na mauuna na kami. Mahirap na, baka dito pa magkahulihan.
Nakasakay na kami ng taxi ng bigla uling nagtanong si Daphne.
"Are you sure na mabaho 'yung room ni Babe kanina? Parang wala naman akong napansin na amoy ah?" Nand'un nanaman kami sa topic na 'yon? Nako. Baka maubusan na ko ng palusot nito.
"A-ahh baka may sipon ka. Pati nga si Lance napansin 'yung mabahong amoy eh. Ikaw lang hindi nakaamoy."
"Ohh. Oo nga eh. It's getting cold already." Napahawak siya sa mga braso niya. Oo nga 'no. Hindi ko na napapansing ilang buwan nalang pasko na dahil sa sobrang stress, hindi lang sa school, pati dun sa issue nila Lance. Hayy.
"What's your plan nga pala for Christmas vacation?"
"Christmas vacation? Nothing really. Baka team bahay lang ako."
Natawa sya sa sinabi ko. "Ikaw?"
"Hmm baka umuwi muna kami ng province. Medyo okay na si mommy eh. The doctor said, she needs a peaceful place for her recovery. And, matagal-tagal na rin kaming hindi nakakauwi dun, so I guess we'll have our Christmas there for this year."
Hindi pala sila dito magpapasko. "Hindi pala kita makakasamang kumpletuhin 'yung simbang gabi ngayong taon."
Ngumiti siya sakin at sinampal ako ng pabiro sa mukha. "Uuwi naman kami bago magnew-year eh. May medya noche pa. Tsaka, si Jenikka nandyan naman."
"Sige na nga, sabi mo eh. Basta, I like Uraro cookies. Three containers, okay?" She nodded.
Ilang minuto rin kaming natahimik. Hanggang sa nakarating na ako sa bahay.
"Paano? Kaya mo na 'yan. Una na ko."
"Okay good night!" Nagwave naman ako bilang pagsagot.
"Hi ma."
"Oh? Kumusta ang araw mo?"
"Okay naman po. Ma, mamaya nalang po ako maghahapunan. Akyat po muna ako sa kwarto ko."
Nagtuloy-tuloy na akong sa hagdan papunta sa kwarto ko. Pagpasok, binaba ko muna 'yung bag ko sa study table at humiga sa kama.
Nakokonsensya na talaga ako. Mali 'to eh. Maling mali. Sorry, Daphne.
**
"Tiffany! Tiffany! Oooyy!" Sinalubong ako ni Jenikka na tumatakbo. Ano ba 'to ang aga-aga sigaw ng sigaw."
"Relax lang, okay? Para kang hinahabol ng sampung tigre diyan. Bakit ba?"
"Eh 'yung bestfriend mo ang aga-aga ring nag-eeskandalo 'dun sa may gym eh!"
Bestfriend? Teka? Hindi.
"Ang kwento mo sakin kagabi sa chat, naaksidente si Lance at nasa hospital pa siya?"
"Oo nga. Dinalaw nga lang namin siya kahapon diba?"
"Pero... bakit siya pumasok ngayon?" Teka... Oo nga 'no.
BINABASA MO ANG
Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]
Novela JuvenilPaano pag nalaman mo ang pinakatatagong sikreto ng boyfriend ng bestfriend mo at hindi mo 'yun masabi sa kanya kasi binlockmail ka ng boyfriend nya! Hanggang sa nalaman ng kaibigan mo ang lahat ng ito at sobrang nagalit siya sa inyo ng boyfriend niy...