Chapter 22

46 1 0
                                    

Tiffany's POV

"Hello?"

["Oy, parating na kami dyan."]

"Oh okay okay."

Kinuha ko na 'yung backpack ko at bumaba na. It's almost 10am at ngayon ang punta namin sa Bataan. Naghahalo nga 'yung nararamdaman ko eh. I'm excited and nervous at the same time.

"Ma, alis na po ako."

"Oh sige. Apat na araw lang kayo, anak ha?"

"Opo." I smiled.

"Ingat kayo."

Sakto namang dumating sina Jeff at Jenikka na nakasakay sa isang van. Apat lang naman kami. Pero ba't van?

"Hi po tita!" Kaway nilang dalawa kay mama.

Naglakad na ako papunta 'dun sa van. "Oh. Nasaan si—"

"Sumakay ka na kaya muna ,'no?" Sabi ni Jeff. Kaya sumakay muna ako. Paano kaya niya napilit si Jenikka na sa unahan umupo?

Pinatakbo na ni Jeff 'yung van. "'Nung dinaanan namin si Lance kanina, tulog pa raw. Napuyat sa paglalaro." Sabi ni Jenikka habang nakatingin sa bintana.

"Bakit van ang dala niyo?" Tanong ko.

"Eh kasi sabi ng daddy ko, malayo raw masyado 'yung pupuntahan para magkotse lang, tsaka buti nga pinayagan akong idrive 'to eh." Pagpapaliwanag ni Jeff.

Halos 10 minutes rin kaming nagbiyahe papunta kila Lance. Medyo malayo bahay 'nun samin eh. Tahimik lang kaming tatlo sa biyahe.

Hanggang sa nakarating kami, nakalimang busina na si Jeff, pero walang lumalabas.

"Tawagan mo kaya. Baka abutin tayo ng gabi sa daan." Naiiritang sabi ni Jenikka.

"Wala akong load."

"Ano ba 'yan, itapon mo na 'yang phone mo."

Para talagang aso at pusa 'tong dalawang 'to. Napailing nalang ako. "Tama na nga 'yan. Ako na tatawag."

Kinuha ko 'yung phone ko at dinial ang number niya. Pero walang sumasagot. Ugh.

"He's not answering."

"Puntahan mo na kasi, Jeff."

"Ayoko. Ikaw na."

Pati ba naman dito, hindi magkasundo? Binabawi ko na 'yung sinabi kong bagay sila. Hindi pala.

Tahimik akong lumabas ng sasakyan. Baka abutin na kami ng gabi sa daan sa bagal ng lalaking 'to.

Nagdoor-bell na ako at pinapasok ng isa sa mga maid nila. Sabi, puntahan ko nalang raw sa kwarto niya. Muntik pa akong maligaw sa dami ng mga kwarto sa bahay nila. Buti nalang makalat siya kaya nakita kong nakakalat 'yung mga medyas niya sa harap ng isa sa mga pinto 'dun. Pinulot ko 'yun at kumatok ako, pero walang sumasagot. Kaya pumasok nalang ako.

"LANCE!" Sinigawan ko siya kaya nagising agad. Hinagis ko rin sa mukha niya 'yung mga medyas.

Nagulat siya 'nang makita ako. "Ba't ka nandito?!"

Huminga ako ng malalim at tinuro 'yung clock na nakasabit sa pader niya.

"Oh? Ano ngayon?"

Napapalo nalang ako sa mukha ko. "Ngayon alis natin papuntang Bataan."

"Ahhh." Bumangon siya sa pagkakahiga. "ANO?! BA'T 'DI NIYO AKO TINAWAGAN?!"

"Uso magcheck ng phone." Chineck nga niya at nagulat siya. Tumakbo siya papunta sa banyo at dapat sana lalabas na ako pero tinawag niya ako ulit.

Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon