Tiffany's POV
"Wala ka sa lugar para sabihin 'yan! Hinding hindi mo kami maiintindihan kasi lalaki ka! At oo sige, tinatanggap ko 'yung sabihan mo akong lampa, but you're worse. Wanna know why? You're happy seeing others in pain! That's just... that's just pitiful."
Sasagot pa sana siya nang magsalita ako ulit.
"Siguro kaya wala ang parents mo sa bahay kasi nasusura sila sayo! Siguro galit na galit sayo ang mommy mo kaya hindi ko siya nakikitang umaattend ng kahit anong activities sa school! Kasi napakahilig mong paglaruan ang mga babae! She's probably ashamed of your attitude at baka pati siya hindi mo na rin natiis na hindi lokohin!" Tsaka ko siya tuluyang iniwan sa gitna ng ulan.
Palayo na sana ako 'nang bigla siyang nagsalita ulit. Pero this time, kalmado siya.
"Wala kang alam. Wala kayong lahat alam." Napatigil ako sa paglalakad 'nang marinig ko 'yung sinabi niya. Nilingon ko siya at nagulat ako sa nakita ko. Si Lance? Nakayuko at umiiyak?
Hindi. Hindi totoo 'to. Namamalik-mata lang siguro ako.
Kinusot ko ang mga mata ko. Pero 'yun parin ang nakita ko. Nagtaka ako kung bakit siya umiiyak.
"A-ahh s-so--"
Naputol ang sasabihin ko 'nang tumakbo siya palayo sakin, kinuha ang kotse niya at mabilis na nagdrive palabas ng gate nila. Anong bang masama sa nasabi ko? Bakit ganun nalang ang reaksyon niya? Bakit gulong-gulo ako ngayon?
"Nako! Hija! Ay bakit ka naman nagpapaulan! Halika't pumasok ka muna at magpatiyo ka ng damit!"
Napatingin ako sa tumawag sakin. Nakita ko si nanay Lorie na tumatakbo at may dalang payong na papalapit sakin.
"Ahmm, salamat po."
"Ayos lang. Mabuti nalang at may damit pa akong kasya sa'yo." Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Ahh. Si sir Lance ba'y saan nagpunta?" Nasamid ako sa iniinom kong hot chocolate 'nang tanungin niya si Lance sakin.
"A-ahh. Ano po. Umalis po kasi bigla eh."
"Ay bakit naman? Hindi naman umaalis 'yun ng walang paalam."
"H-hindi ko rin po alam." Tumango naman siya bilang pagsagot.
Pumasok bigla sa isip ko 'yung inasal ni Lance kanina 'nung nagsasagutan kami. Hindi ko na rin napigilang magtanong kay nanay.
"Ahh. Nay pwede po ba akong magtanong?" Agad naman syang lumingon sakin.
"Oh sige. Tungkol saan ba?"
"Ahh s-sa mommy po sana ni Lance."
Mukhang nagulat siya. "Ay! Eh hindi binabanggit rito ang mommy nila sir Lance at sir Luke." Napakunot ang noo ko. Bakit naman kaya? At may kapatid pala siya.
"A-ahh sorry po. Curious lang po kasi ako." Lumapit si nanay sakin at umupo sa tabi ko.
"Sige. Pero 'wag mo sanang ipagkakalat sa iba." Tumango naman ako.
"Mga halos ilang taon na rin ang lumipas nang ipanganak ni ma'am Nadia si sir Lance. Bago lang ako nung mga panahong 'yun at hindi parin sila ganoon kayaman. Ako pa lang ang nag-iisang katulong nila. Pero alam na alam ko ang mga nangyayare sa mga magulang nila. Away dito, away doon. Sigaw dito, sigaw doon. Lumaki sila sir Lance at Luke sa gulo ng mga magulang nila." Magulo pala ang pamilya nila. Pinagpatuloy ni manang ang pagkukwento.
"Hanggang sa mag-apat na taong gulang si sir Lance, anim na taon naman si sir Luke, nahuli ni sir Jaime si ma'am Nadia na kalaguyo ang isa sa business partners nito. Pero dahil nga mahal na mahal ni sir si ma'am, pinatawad parin siya nito."
BINABASA MO ANG
Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]
JugendliteraturPaano pag nalaman mo ang pinakatatagong sikreto ng boyfriend ng bestfriend mo at hindi mo 'yun masabi sa kanya kasi binlockmail ka ng boyfriend nya! Hanggang sa nalaman ng kaibigan mo ang lahat ng ito at sobrang nagalit siya sa inyo ng boyfriend niy...