Chapter 30

27 1 0
                                    

Tiffany's POV

"No thanks, busog pa ako."

"Mukha mo busog."

Napatingin ako kay Jenikka 'nang sagutin niya ako ng gan'un. "Ha?"

"Halos limang beses mo nang sinasabi na busog ka. Okay ka lang? Kanina ka pa tulala dyan."

Nandito kami sa isang fastfood sa mall. Ang boring daw kasi sa bahay nila kaya inaya niya ako dito. Pinilit niya lang naman ako. Ayoko kayang lumabas ng bahay. New year na mamaya 'no. Baka mamaya masabugan pa ako ng paputok.

"Ano ba kasing problema mo?"

Huminga ako ng malalim. "Naglayas raw si Lance dahil bumalik na 'yung mommy niya. Hanggang ngayon, walang nakakaalam kung nasaan siya."

Hindi siya sumagot kaya napatingin ako sa kanya. 'Dun ko lang napansin na kanina niya pa pala ako tinitignan habang nakangiti ng nakapanloloko.

"What?" Kinuha ko 'yung juice ko at pinaglaruan 'yung ice. "Nag-a—"

"Nag-aalala ka lang? Luma na 'yang mga palusot mo. Ang sabihin mo kasi, gusto mo na siya."

"Remember when I told you it will never happen?"

"Huwag kang magsalita ng tapos. Mamaya, kainin mo 'yang mga sinasabi mo eh." She smirked. Napailing nalang ako.

Pagkatapos naming kumain, napagdesisyunan naming pumunta sa department store. Gusto daw niya mamili ng damit at iba pang gamit kasi magne-new year na rin naman.

Habang naglalakad doon, mayroon kaming nadaanang Optical shop. Pinagmasdan 'yun ni Jenikka ng matagal.

"Sooo.. Anong meron?" Tanong ko sa kanya.

Tinignan naman niya ako sa mukha. "Tiffany?"

"Ughh, alam kong marami akong pimples. Pero huwag mo nga akong tignan ng ganyan."

Hindi na siya sumagot at hinatak nalang ako papunta 'dun sa optical shop.

"U-uy! Teka nga lang." Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil rin siya.

"Magbabagong taon na. 'Diba maganda kung may magbabago manlang sa'yo?"

._.

"Marami na ngang nagbago for the past few months of this year. Know what? C'mon, pumunta nalang tayo sa department store para makabili ka at 'nang makauwi na."

"Try mo kayang huwag na magsalamin."

Napasimangot ako sa sinabi niya. "Ayoko."

"Bakit naman? Ayaw mo 'yun. Ang bading pakinggan pero, mas makikita 'yung mukha mo."

"That's the point. It'd only reveal how ugly I am. Soooo.. no."

"Walang no no. Tara na huwag ka na nga mag-inarte."

Hindi na ako nakapalag. Ayoko nga eh. Pero sige na nga. Susubukan lang naman.

Nagtanong kami 'dun sa nagbabantay at ipinakausap niya kami sa doctor. Chineck niya 'yung mata ko para malaman kung anong contact lens ang gagamitin. Halos isang oras rin kaming naghintay. Mabilis lang naman kasi 'yung process.

Ibinigay na sa akin 'yung disposable contact lens. Ilang pair lang muna ang ibinigay kasi susubukan daw muna kung hindi ba magkaka-side effects sa eyeballs ko o magugustuhan ko ba.

Tinulungan ako ni Jenikka sa paglalagay. I'm totally blind without my glasses. Pagkatapos, pinahiram niya ako ng salamin.

Woah. Just woah.

Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon