Chapter 32

29 1 1
                                    

Lance's POV

"......that involves the study of matter and its motion through space and time, along with related concepts such as energy and force."

"Uhhhh." Unti-unti na akong nilalamon ng boredom at dinudurog ang mga buto ko. Ni hindi nga ako makadilat ng maayos. Eto na. Pasukan na ulit. Inang buhay 'to.

Tumingin ako sa mga katropa ko. Ang sasarap ng mga tulog. Lahat kasi sila nasa bandang likod at ako lang ang nasa harapan. Pumunit ako ng piraso ng papel at binilog ito. Binato ko ng binato sina Jeff pero mga manhid amputa.

"Psssst!! Jeff! Marco!" Bulong ko. "Paolo!! Fra—"

"Is there something wrong, Mr. Ayala?" Nagulat ako at napatingin sa harap 'nang mahuli ako ng teacher namin.

"A-ah, wala po. H-hehe..."

._.

Nagpatuloy siya sa pagdidiscuss. Napatingin ako sa bandang kaliwa ko at nakita si Jenikka. Hoo. Ayokong kausapin, baka mabasag mukha ko ng wala sa oras. Tumingin ako sa kanan at napansin ko si Tiffany na mukhang enjoy na enjoy sa pakikinig ng discussion namin sa Physics.

Tama, tama. Tiffany. Bwahaha >:D

Binato ko siya ng binato hanggang sa mapansin niya ako.

Kita ko sa labi niya nang sabihin niya ang 'what?!'

Natawa ako ng mahina dahil sa reaksyon niya. Gusto ko pang makipag-usap. Kaya tinuro ko ang bandang likod ng pulso at tinanong kung anong oras na.

Agad naman siyang tumingin sa relo niya at sinenyasan ako. Nilapit ko ang mukha ko sa direksyon niya kasi hindi ko mabasa 'yung sinasabi niya.

"Ano?" Bulong ko.

Hindi ko parin maintindihan.

"Isulat mo kasi sa papel."

"What?!"

Hindi niya ako madinig.

Para kaming tanga 'dun na nag-uusap ng pabulong.

"Mr. Ayala and Ms. Lopez! What in the world are you both doing?! Kayong dalawa ha! Napapadalas 'yang mga pinaggagagawa ninyo sa klase ko! If you want to do your own business, go get out!"

Napayuko ako at sumulyap sa kanya na napayuko rin. "Sorry ma'am." Sabay naming sinabi.

Ilang minuto pa at nagring ang bell.

YEEEESSS!! Dismissal!!

Tumakbo na ako papunta sa tropa ko at nag-ayang tumambay sa rooftop. Matagal-tagal na rin kaming hindi nakatambay 'dun.

Nakatingin silang lahat sa akin habang abot tenga ang mga ngiti.

._.

"A-ano?"

Hindi sila sumagot at nakatingin parin sa akin.

Napakamot nalang ako sa ulo ko. "Ano ba.... Alam kong gwapo ako, okay? Huwag niyo nang pinapamukha."

Sabay-sabay nawala 'yung mga ngiti nila kanina kaya natawa ako.

"Brad..." Inakbayan ako ni Marco. "Ang daming ibang magandang babae dyan..."

"Oo nga."

"Huwag ganyan, pre. Maawa ka sa sarili mo."

Ano daw?

"Ha?"

"Ano ba kayo?" Lumapit naman sa akin si Jeff at tinapik-tapik ako sa balikat. "Kung mga kaibigan niya talaga kayo, susuportahan niyo siya sa gusto niya."

Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon