Daphne's POV
"I'm home!" I shouted as I entered the room. Pero wala si mommy sa usual place kung saan lang siya laging nakaupo.
Lumibot ako sa buong bahay but she's not everywhere pati 'yung assistant niya. Kaya pumunta nalang ako sa maid's room at kumatok.
"Manang? Manang?" Agad namang bumukas ang pinto.
"Ay Ma'am Daphne kayo po pala."
"Ahh, where's mom?" Napansin kong napayuko si manang at parang may kakaiba siyang reaction.
"Ma'am, sinugod nanaman po ang mommy niyo sa hospital." Nanlaki ang mga mata ko. Again?!
Hindi na ako sumagot at tumakbo nalang papunta sa labas. Tinawag ko agad ang driver namin at inutusang dalhin ako sa hospital kung saan sinugod si mommy.
After like, 15 minutes nakarating na rin kami. Tumakbo ako agad papunta sa registrar at nagtanong.
"Ughmm. Miss. Saan po si Alice Scott?"
"Ahh room 407 po."
"Sige thank you."
Habang tumatakbo papunta sa kwartong 'yun, hindi ko na napigilan ang mga luha ko. It's been 3 years already since my mommy had her hemorrhage. Na-stroke pa siya last year kaya sobrang bantay talaga ang kailangan sa kanya. Dad even hired a personal nanny for her. Hindi pa pala tuluyang nawawala ang sakit niya.
"Dad!" Sigaw ko pagbukas ko ng pinto.
"Daphne? What are you doing here?" Was it really his greeting for me?
"You didn't even bother to text or call me na sinugod nanaman pala si mommy sa hospital!"
"Hindi ko na hinintay ang pagsagot niya at tumakbo nalang ako kung saan nakahiga ang mommy ko. She's on a deep sleep.
"What for Pete's sake happened?" I asked my dad.
"Inatake nanaman siya ng sakit niya." Lagi naman eh. Para ngang nagiging bahay na namin 'tong ospital na 'to. Lagi nalang. Damn that sickness.
"Princess?" Tumingin ako kay mommy n'ang magsalita siya.
"Ughh s-sorry I didn't bother to--"
"It's okay. It's okay. Mommy's alright." Tumulo parin ang mga luha ko 'nang sabihin ni mommy 'yun.
Buti nalang. Buti nalang maayos siya. I don't know what will I do if I lose her, if we lose her.
**
"Ano!? Eh kumusta na si tita ngayon?" I'm with Tiffany today sa cafe na pagmamay-ari namin. It's so boring kasi sa bahay. Kahit may exams na kami bukas, I don't feel like reviewing.
"She's fine naman na. But she's still admitted sa hospital. Kailangan nalang ng rest." I sighed. "Hindi na nawala 'yung sakit ni mommy."
Tinap ako ni Tiffany sa likod to comfort me. She grinned. "Magiging okay rin si tita. I know her very well. Hindi 'yun magpapatalo sa sakit niya." Saka niya ko kinindatan.
Umorder na kami pero tinake-out nalang namin.
"Where do you wanna hang out after this?"
"Mall. Game?"
"Game." Favorite hobby kasi namin ang magshopping. Yep. Shopping. and malapit lang naman 'yung café sa mall.
Habang tumitingin kami ng mga teddy bear sa Blue Magic, I heard someone from school na pinag-uusapan ata ako. Panira ng mood. Leche.
"Sayang nga lang at may girlfriend na si Ayala. Si Daphne Scott?"
"Ya I know. And you know what? She's still hanging out with a geek everyday at school. It's just so, so ew. Hahaha."
"Really? She's so poor kaya kasi ang tagal na nila ni Lance pero hindi manlang nya alam ang mga kalokohang ginagawa ni Lance habang sila pa. Loser! Hahaha!"
"Astang sikat. What even? Haha."
"Excuse me girls. Can I join? Looks like you two are having a very interesting conversation, huh." Lumapit ako at pinutol ko ang usapan nila. Halata naman ang gulat sa mga mukha nila.
"Omg. Me? A loser? Thank you my dear." Hinawakan ko sa baba yung isa. She seemed so scared. Bakit hindi nila ako labanan ngayong kaharap ko sila?
"'Wag na 'wag niyong sisiraan ang boyfriend ko. Oh well, ano bang ikinatatakot ko? Ang maagaw niyo siya sakin?" I stared at my glamorous nails. "Wala pa nga pala kayo sa talampakan ko. Why are you so interested of my life, by the way? Fan ko ba kayo? Wow. I'm so popular naman pala talaga."
Lumapit naman ako dun sa isa. "Astang sikat? Oh shame on you. Ikaw pangarap mo lang ang maging sikat, ako? Sikat na talaga. Kahit sabihin mong asta lang."
"Listen the two of you, if you don't wanna have a record or something sa school, at kung gusto nyong makagraduate sa March, then you should respect me. Kasi mayaman ako, at kaya kong bayaran ang school para ipa-expell kayong dalawa." Tsaka ko tinulak ang noo nila pareho.
"Oh, and one more thing." Kinuha ko yung drinks na hawak n'ung isa at tinapon ko 'yon sa kanya ng unti-unti. "This is for calling my bestfriend a geek. Damn you."
Tsaka ko niyaya si Tiffany na umalis nalang nung boutique. Kasira ng araw. Pero kahit bad mood na ako, napatawa parin ako ng hitsura ng mukha niya.
"Close your mouth, hey!" I told her. Napanganga pala siya sakin.
"Ang cool mo kanina ah. Grabe, parang mga basang sisiw yung dalawang 'yun kanina."
"Ako pa! Daphne Clarisse Scott. 'Wag na 'wag nila akong kakalabanin. If they ruin my day, I'll ruin their lives. Oh 'diba!" Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Pero you know, I'm hungry na. Let's eat tara!" Then I pulled her sa pinakamalapit na fastfood.
While waiting for our food, I remembered something.
She's so poor kaya kasi ang tagal na nila ni Lance pero hindi manlang nya alam ang mga kalokohang ginagawa ni Lance habang sila pa.
Paulit-uli na nagrerewind sa utak ko 'yung narinig kong sinabi 'nung isang babae kanina. Possible kayang, no. No. He can't do that. He won't.
"Huy! Ang lalim ata ng iniisip mo ah? Spill!" Kinalabit ako ni Tiffany.
"Huh? Ahh. K-kasi, alam mo kanina, narinig kong sabi 'nung isang school mate natin na niloloko lang naman daw ako ni Lance ng hindi ko alam. Do you think it's true?" Her eyes widened.
"A-ahh, ano, eh ewan ko lang." Akala ko magtutuloy-tuloy pa 'yung reaksyon niya kanina hanggang ngayon. Buti nalang hindi. Kasi, magdududa na ko. Pero, it's very impossible naman na maging sila or whatsoever or atleast maging close. Tiffany hates Lance. A lot. Kasi sabi niya wala naman daw magandang naidudulot ang mga casanova sa isang relasyon. But I bet she's just telling that because she never experienced being in a relationship before.
"Ahh. But, alam mo ba, nung isang araw, when I was with Lance, may isang girl na Melissa raw 'yung name, na lumapit samin habang umiiyak. I don't know her but, I guess kilala siya ni Lance."
"What? Sabi ko sayo eh! May babae tala--" I cut her off. Ayokong nakakarinig ng masama tungkol sa boyfriend ko. Kahit siya pa ang nanay ko or what.
"Maybe she's just a random girl who has a crush kay Lance. Pilit nya kasing sinasabi na siya raw ang mahal ni Lance." I rolled my eyes.
"Siguro nga. Who knows?"
Nagkibit-balikat nalang ako at humigop sa ice tea na inorder namin.
No. Hindi ako niloloko ni Lance. There's nothing to worry about.
BINABASA MO ANG
Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]
Ficção AdolescentePaano pag nalaman mo ang pinakatatagong sikreto ng boyfriend ng bestfriend mo at hindi mo 'yun masabi sa kanya kasi binlockmail ka ng boyfriend nya! Hanggang sa nalaman ng kaibigan mo ang lahat ng ito at sobrang nagalit siya sa inyo ng boyfriend niy...