Chapter 19

54 1 0
                                    

Lance's POV

"Class dismissed."

Sa wakas. Sa wakas natapos rin ang klase. Grabe, antok na antok ako. Naka-benteng hikab ata ako kanina.

Nilapitan na ako ng nina Paolo, Marco, Franz, at Jeff.

"Hoy." Binatukan ako ni Paolo. "Manlibre ka naman oh."

'Yun lang pala sasabihin, mambabatok pa.

"Oo nga. Kuripot mo. Ikaw lang hindi nanlilibre." Nanura pa si Marco.

"Oo na, oo na. Baka maiyak pa kayo."

Natawa naman bigla si Franz dahil sa sinabi ko. "Hahaha. Oo nga naman. Oy. 'Dun ka manlibre sa bagong bukas na restaurant diyan sa malapit."

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at naglakad na kami palabas ng pinto.

"Ahm."

Napahinto kaming lahat nang may humarang saming babae paglabas palang ng pinto.

"L-Lance. P-Para sa inyo po." Inabot niya sakin 'yung hawak niyang isang box na kulay pink. Pagkakuha ko, tumakbo siya bigla palayo.

"A-ahh... Thank you!" Sigaw ko sa kanya.

"Uy teka. Ano nanaman ba 'yan!?"

"Ewan ko. Baka chocolates nanaman."

"Grabe ka. Ikaw ang binibigyan ng chocolates ng babae. Gwapo mo ah." Biro sakin ni Marco.

Hinagod ko naman ang buhok ko. "Syempre." Tsaka ako nagpagwapo. Kaya nagtawanan kaming lima at pinaulanan naman nila ako ng pambabatok. Mga asal tuta talaga 'tong mga 'to minsan.

"Teka nga. Franz. 'Yung restaurant ba na malapit sa-" Napatigil ako sa pagsasalita nang may humarang nanaman samin. Ano bang meron? National Harang Day ba ngayon?

"Mr. Ayala. Can I please talk to you for a while?"

Natahimik kaming lahat 'nang sabihin 'yun ng adviser namin.

"O-okay po."

"Hala." Bulong sa'kin ni Paolo.

"Kung mananakot ka, siguraduhin mong matatakot 'yung tatakutin mo, okay?"

Hindi naman mukhang halimaw 'yung adviser namin. Slight lang.

Sumunod na ako papuntang faculty room at iniwan silang nagtatawanan. Para talagang mga bulol 'to.

"Mr. Ayala, ano bang nangyayare sayo?"

"Po? W-wala naman po."

"Napakalaki na ng ibinaba ng mga marka mo kumpara dati. Mabababa na nga, ibinaba mo pa. Ilang subject ang ibinagsak mo this quarter."

"A-ahh ga-"

"I am so disappointed, Lance. You don't just go to school everyday para magpagwapo at hindi na mag-aral."

Gusto kong sabihing, hindi ko naman kasalanan na gwapo ako, kaya napapabayaan ko pag-aaral ko. Pero huwag nalang. Magsasayang lang ako ng laway.

"I'm warning you. Kapag walang ipinagbago ang grades mo ngayong quarter, you will be ejected from the varsity team."

Nanlaki ang mga mata ko. "P-pero Ma'am, wala namang koneksyon 'yung paglalaro ko ng basketball sa pag-aaral."

"I have no other choice. Masyado kang nagfofocus sa mga bagay na hindi naman gan'un kahalaga."

Pagtapos ng sermon, nagpaalam na rin ako at lumabas.

"Bwisit." Panira ng araw.

"Oh? What's with the face?"

Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon