Tiffany's POV
Hindi.
Hindi parin ako makatulog dahil 'dun sa kanina. 1am na ng umaga at may exams na bukas pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Kinabahan talaga ako 'nung nagtanong si Daphne tungkol sa mga babae ni Lance. Inumaga na nga ko kakaisip.
Ako ba naman kasi 'tong mahina ang loob eh. Ayaw ko pang sabihin sa kanya dahil alam kong hindi siya makapagcoconcentrate sa exams at malamang na isipin niya 'yun gabi-gabi kaya balak ko sanang sabihin 'yun next week pagkatapos ng periodical.
Hindi naman siguro ako mahuhuli, 'diba? Kasi wala namang pwedeng makapigil sakin sa pagsasabi kay Daphne nung nalalaman ko. Hmp! Makapagbasa na nga lang ng libro.
Kinuha ko ang hot chocolate na nakapatong sa mesa ko at humigop.
"Sally Jenkins, huh? A sports writer and columnist who collaborated the book 'Every Second Counts' which appraises the journey of Lance Armstrong to victory."
Nasamid ako sa iniinom ko at nanlaki ang mga mata ko. Oh my! Si Lance pa nga pala! S-hit!
Hindi na ako mapakali. Kapag nalaman ni Lance na alam ko 'yung nangyare sa kanila ni Aimee, baka patayin ako 'nun. Leche. Bakit ba kasi nabuhay pa siya sa mundo? Eh puro gulo lang naman ang dulot.
Napatahimik ako sandali habang kagat-kagat ang hinlalaki ko. Ah! Tatawagan ko na si Daphne ngayon.
Pero, paano yung exams?
Grabe. Nagtatalo yung dalawang parte ng utak ko. Mukhang walang maitutulong ang talino ko dito. Sino ba ang pwede kong komprontahin dito? Wala naman akong ibang kaibigan kundi si Daphne lang. Wala akong contact kay Tristan. Si Jenikka kaya?
Kinuha ko ang phone ko at dapat sana tatawagan ko na si Jen. Kaso may naisip ako. Halos 1:30am na pala. Ako nalang siguro ang gising ng ganitong oras. Sige bukas na nga lang. Sana hindi ako mahuli.
**
"Jenikka!" Nakita ko siyang papasok sa gate na dinadaanan ko rin habang nakalagay ang mga kamay sa bulsa ng hoodie. "Bakit ang aga mo? 8am pa ang start ng exams ah?" Tanong ko sa kanya.
"Wala. Gusto ko lang." Tumango lang naman sya.
"Ahh. Uy. Pwede ba akong makahingi ng advice sayo?" Napakunot ang noo niya at parang nagtaka.
"Sige. Pero tungkol saan ba?" Hindi na ako sumagot at hinatak ko nalang siya papuntang gym. Maaga pa naman.
"Ano na?" Tanong niya ulit nang makarating na kami 'dun.
Nanginig ang mga kamay ko. Sasabihin ko ba? Baka ichismis ako nito. Sige na nga. Pansin ko naman na magaling siya pagdating sa mga advice chuchu.
"Ahh. Ano kasi. A-ano." Hindi naman siya sumagot at kumunot lang lalo ang noo niya.
Huminga ako ng malalim. "Naalala mo last friday, 'nung iniwan kita sa taas?"
"Hindi naman kita iniwan 'nun dahil sa natakot ako o ano. N-nakita ko kasing may nagme-make out sa tapat ng lib. Si, si Aimee Bautista at, si Lance Ayala. Ang boyfriend ng bestfriend ko." Napayuko ako pero napansin ko paring nanlaki ang mga mata niya. Mukhang nagulat siya sa nairinig. Pero mga ilang segundo ang nakalipas, bumalik rin siya sa dati.
"Anong tungkol 'don?"
"'Pag kasi sinabi ko na kay Daphne 'yun ngayon o mamaya, pwedeng distract siya at hindi makapagconcentrate sa periodical. Pero kung sa susunod ko pa 'yun sasabihin, baka naunahan na ako ni Lance at baka nalaman na niyang nakita ko, tapos ipapakidnap niya ako, tapos pahihirapan hanggang sa mamatay, at baka itapon nalang ang bangkay ko sa kung saan. Baka pati pamilya ko madamay at baka pati sila ipap--" Pinutol nya ang pagsasalita ko sa pagsagot niya.
BINABASA MO ANG
Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]
Ficção AdolescentePaano pag nalaman mo ang pinakatatagong sikreto ng boyfriend ng bestfriend mo at hindi mo 'yun masabi sa kanya kasi binlockmail ka ng boyfriend nya! Hanggang sa nalaman ng kaibigan mo ang lahat ng ito at sobrang nagalit siya sa inyo ng boyfriend niy...