Lance's POV"Lance? Lance!"
Bigla nalang may yumakap saking babae. Babaeng .... hindi ko makilala 'yung mukha. Pero parang nakita ko na siya dati.
"S-sino ka?"
Dahan-dahang tumingin sakin 'yung babae na hanggang ngayon, nakayakap sakin.
Teka... "J-jeff?"
"AHHHHHHHHHH!!!!"
Napabangon ako bigla galing sa kama ko. T*ngina! Ano 'yon?
"Ano ba? Ikaw na nga ginigising dyan, naninigaw ka pa!"
Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit. "Eh bakit ba nandito ka nanaman? Bakit sa twing gigising ako eh nandito ka sa kwarto ko?!"
"Grabe tayo ah? Napaka-OA. Mga dalawa o tatlong beses palang naman."
"Paano ka nakapasok?" Bumangon na ako at umupo sa kama.
"Ganito kasi 'yon." Seryoso siyang umupo sa tabi ko at umakay sakin. "Noong unang panahon, may isang karpinterong nag-imbento ng pinto. The end."
Napailing nalang ako.
"Joke lang! Eto naman. Ginu-good time lang kita. Hahaha. Pinapasok ako dito ni manang. Kararating ko lang din naman eh. Pasalamat ka nga, hindi ko ginalaw 'yung laptop mo." Tsaka siya ngumisi. Kung 'di ko lang 'to kaibigan, malamang na nabukulan ko na 'to.
Ang sakit talaga ng ulo ko. Sinubukan kong tumayo para pumunta sa banyo, pero muntik pa akong madapa. Buti nalang nakasandal ako sa pader. Ano ba 'to.
"Oh? Nakatulog ka na't lahat, lasing ka parin? Buti nalang naisipan ng daddy mong lagyan ng pader 'tong kwarto mo." Inalalayan niya ako papasok sa banyo.
Paglabas ko, nandun na siya sa harap ng laptop ko at naglalaro. Hindi ko nalang siya sinaway at nagtuloy-tuloy nalang ako sa kama ko ulit.
"Kakagising lang, tulog ulit? Akala ko ba magaling na 'yung pilay mo at maggagala tayo mamaya?"
"Masama pakiramdam ko, okay?" Tumalikod ako sa kanya. "Pwede mong galawin lahat pero huwag kang maingay."
"Ayon! Ayos naman pala tayo eh."
Sinubukan kong matulog ulit, pero hindi ko magawa. Iniba-iba ko ang posisyon ko, pero hindi talaga ako makatulog.
Isa lang ang bumabagabag sa isipan ko ngayon. Kung paano ko maibabalik 'yung relasyon namin ni Daphne.
"Oo nga pala. Kumusta na kayo ni Daphne? Nakausap mo na siya?"
Napaharap ulit ako sa kanya 'nang itanong niya 'yun.
"Hindi okay eh. Inaraw-araw ko nga pagpunta sa kanila kahit umuulan, pero ni isang beses, hindi niya manlang ako hinarap."
"Tsk. Ang gago mo kasi. Manggagahasa ka na nga lang, magpapahuli ka pa."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ako ang nanggahasa. Hindi ko ginusto 'yung nangyare! Bakit ba walang naniniwala sakin?!"
Tumawa siya ng malakas. "Hahahaha. Biro lang. Naniniwala ako sayo. Syempre. Love kita eh huahuahua hart hart." Nagkunwari naman siyang bading. Ewan ko ba kung bakit naging bestfriend ko 'to.
"Hindi ko na nga alam gagawin ko eh. Malamang na hindi na ako mapatawad 'nun. Kaya kailangan, masabi ko sa kanya 'yung totoong nangyare, ASAP."
"Eh anong gagawin mo?"
"Ewan."
"Alam mo pare, sayang utak mo, hindi mo kasi masyadong ginagamit." Sarkastiko niyang sabi. "Bakit hindi ka magpatulong 'dun sa bestfriend niya? 'Diba, nag-away rin ata sila? Edi malamang na galit si Daphne pareho sa inyo."
BINABASA MO ANG
Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]
Novela JuvenilPaano pag nalaman mo ang pinakatatagong sikreto ng boyfriend ng bestfriend mo at hindi mo 'yun masabi sa kanya kasi binlockmail ka ng boyfriend nya! Hanggang sa nalaman ng kaibigan mo ang lahat ng ito at sobrang nagalit siya sa inyo ng boyfriend niy...