Chapter 5

113 7 5
                                    

Tiffany's POV

"Ughhh!" Nahihilo na ko kakapaikot ikot dito sa library. Hindi ko mahanap 'yung social book na 'yun! Kainis naman! Mukhang masisira ang weekend ko nito. Tapos bukas, saturday na saturday, pinababalik ako ni Sir para daw maipasa 'yung defense paper ko.

Naglalakad ako ng mapansin kong parang may tao sa mathematical section ng lib. Dahan-dahan akong lumapit. Bigla namang may bumulaga sa akin. Pero hindi ako pamilyar sa mukha niya.

"Oh? Sorry ah, magsasara na 'tong library eh." Sabi niya sakin. Hindi ko naman siya sinagot agad.

"I'm Jenikka. 4-3. Uhm, assistant librarian."

Tumango ako at ngumiti. "Tiffany. I'm from 4-2. Kaya pala lagi kang katabi n'ung bagong librarian."

"Yup. She's my mom." Sabi niya habang nag-aayos ng mga books 'dun sa bookcase. "Soooo... ba't nandito ka pa?"

"Ha? Ah may tinatatapos lang na research." Tumango lang siya at naupo na sa counter. N'ang mapansin niyang may hinahanap ako, may kinuha sya sa cabinet na tabi nung table ng librarian at iniabot sakin.

"Eto ba?" Napatingin ako sa kanya. 'Yun nga! Yes! Makakauwi na rin ako!

"'Yan 'yun! Thank you Jenikka! Thank you talaga!"

"Haha wala yun. Ahh... uuwi ka na ba?"

"Uhmm... Yea."

"Tara, sabay na tayo." Woah. Kakakakilala palang naming. Pero sige na nga. Minsan lang may makisabay sakin.

Tumango nalang ako at sinabayan na niya ako sa paglalakad. Buti hindi siya nandiri sakin o nagsungit. Sabagay, sa nakikita ko naman, hindi siya maarte. Parang boyish pa nga, kasi may pulang cap siyang suot.

"Ahh ate!" Napahinto kami sa paglalakad nang may marinig na tumawag. Sabay kaming lumingon at nakita namin si Raven. Isa sa mga batchmate ko.

"Ikaw 'yung ass.librarian di'ba? Saglit lang. Patulong. Naiwan ko kasi headset ko kanina sa lib eh. N'ung binalikan ko, nakalock na."

"O-oh sige. Tsaka sya kumaripas ng takbo pabalik ulit sa lib.

Nakatayo lang ako dun at hinahintay siya n'ang may marinig akong ingay. Baka naman minumulto na ang building A. Ang tagal naman ni Jenikka. Tumatayo na mga balahibo ko.

N'ang marinig kong parang may parating, nagtago ako agad sa gilid ng library.

"Oh. My. God." Nagulat ako nang makita ko si Aimee at si Lance... na naghahalikan sa tapat ng lib. What the f-uck?! Lance Ayala! Sabi ko na nga ba eh! May tinatago ka talagang baho! Pero... pero paano ko 'to sasabihin kay Daphne?! Ang hirap naman! Baka magalit pa sakin ' at isipin nyang sinisiraan ko si Lance.

Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa. Nang maghubad na ng pang-itaas si Aimee, d'un na ko umalis at tumakbo palayo sa takot na makita pa ang susunod na gagawin nila. Mabilis akong bumaba ng building at di ko na naantay si Jenikka.

Nagtuloy-tuloy ako papuntang garden. Grabe. Virgin pa kaya ang mga mata ko at hindi pa ko nakakakita ng ganun.

Hindi parin ako makapaniwala. I saw my bestfriend's boyfriend making out with another girl. Oh great. How can I tell this to her? Naaawa ako sa kanya. Pwede naman kasing iba nalang ang makakita nun para wala na akong pinoproblema at para hindi ko na iniisip kung paano ko 'yun sasabihin sa bestfriend ko. This time, pinanindigan na talaga ni Lance 'yung pagiging womanizer niya.

"Tiffany! Bakit di mo ko hinintay?" Nagulat ako nang tawagin ako bigla ni Jenikka.

"A-ah ano kasi. Kasi, natakot ako sa taas kaya bumaba nalang ako."

Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon