Chapter 11

68 5 4
                                    

Lance's POV

Bigla akong naalimpungatan. Niyuyugyog pala ako ni Jeff kanina pa.

"Hahaha! Hanggang ngayon ba lasing ka parin?"

Napakunot naman ang noo ko. "A-ano?"

"Kanina ka pa kita kinakausap. Ano na kako ang balak mong gawin 'dun sa nerd?" Mukhang masyado ata ako nalasing kagabi. Pati tenga ko naapektuhan.

"Change plans. Hindi ko nalang siya liligawan at pasasagutin. Kasi ayoko. Kaya tinakot ko na siya na 'pag nagsalita siya, pababagsakin ko ang business nila." Natahimik siya bigla. Pero nagsalita rin sa huli.

"'Yun na 'yon?" Binigyan ko lang siya ng 'anong-masama-sa-sinabi-ko' look pero tinawanan niya lang ulit ako. "Hahahaha! Hay nako pare. Hindi mo madadaan ang babae sa ganyan lang. Kung gusto mo talaga syang mapasunod, --" Pinutol ko ang sasabihin niya.

"Anong gagawin ko?!"

"Edi... ligawan mo." Tsaka nagtaas-baba ang mga kilay.

Mga tatlumpong segundo muna ang nakalipas bago pumasok sa gitna ng kokote ko 'yung sinabi niya.

"AYOKO NGA! CHANGE PLANS NGA EH."

"Okay, okay. Chill! Muntik mo nang malamon ang buong mukha ko sa laki ng bunganga mo eh." Napakamot nalang ako ng ulo. Hay nako. 'Pag talaga si Jeff ang kausap ko, ang hirap unawain.

"Eh 'diba, magaling ka naman sa panliligaw at napapasagot mo naman lahat ng nililigawan mo? Ba't di mo i-try na ligawan siya?"

"Oo nga pero 'wag siya. Lahat na ng babae 'wag lang siya. Ano nalang ang iisipin ng ibang babae sa campus 'pag nakita nilang kasa-kasama ko' yung lampang 'yun?"

"Eh sa sandaling oras mo lang naman gagawin 'to eh. Alam mo, 'pag gusto, may paraan. 'Pag ayaw, may dahilan!" Sabay kuha sa iPad ko na nasa ibabaw ng tv. "Peram nito ah."

"Eh may dahilan naman ako kung bakit ayaw ko ah. Kasi ayaw ko talaga sa kanya. Hindi kami talo at hindi magiging." Tumingin ako sa kanya na busy sa paglalaro.

"HOY! Nakikinig ka ba?" Sigaw ko . Pero hindi naman nya ako pinansin. Napailing nalang ako at bumalik sa pagkakahiga sa kama.

Maya-maya pa, nagsalita rin siya.

"Alam mo, para lang 'yang flappy bird. Napapataas mo nga 'yung ibon kada pindot mo. Pero hindi ibig-sabihin n'un e panalo ka na agad. May mga lalagpasan pa kasing mga obstacles 'diba? Hindi porket may ginagawa ka 'nang aksyon para malutas 'yung problema mo, eh malulutas mo na talaga 'yun. Minsan, meron ka pa talagang isang bagay na kailangang gawin, para sigurado mo 'nang malulutas mo yung problema mo. Para sure win." Napanganga nalang ako at natulala sa isang tabi. Minsan, 'yung mga sinasabi niya, walang kwenta. Minsan, meron.

"Oh." Sabay hagis sakin nung iPad. "134? Weak mo ah. Uwi na ako. Nahiya naman ako sayo. Hindi mo manlang ako pinakain ng tanghalian. Text text nalang."

Tuloy-tuloy siyang lumabas ng pinto habang ako naman, takang taka parin at di parin makapaniwala sa sinabi niya. 134? Ano 'yun?

Tumingin ako 'dun sa iPad at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.785?! Wow. Flappy bird master.

**

*toot* *toot*

Ughh! Sino bang istorbo 'to? Tanghaling tapat tumatawag.

Tinignan ko ang phone ko. Si Daphne nanaman pala. Kakatext ko lang sa kanya na busy ako ngayon eh. Hmp! Sagutin ko na nga 'nang matapos na.

["Hello? Babe!"]

"Oh? Baket nanaman?" Bored kong sinagot sa kanya.

["Where are you na? Kanina pa kami naghihintay sayo."] Naghihintay sakin?

Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon