Chapter 33

24 1 0
                                    

Tiffany's POV

"1-2-3...1-2-3...turn... and 1-2-3...1-2-3...turn..."

=.=

Magdadalawang oras na kaming nagpapractice dito sa gym. At pakiramdam ko, magang maga na 'yung mga paa ko sa taas ng heels ng sapatos na 'to

And yes. Eto na. Eto nanaman. Last JS promenade na namin 'to sa Georgette High kaya pinasali na ako. Hindi kasi ako umattend last year. Pagtitripan lang naman ako 'dun. Like, everyone's going to be dancing with their prom dates and I'll be there sitting, waiting for the prom to end.

Ang bilis ng panahon. February na. Prom na. Susunod nito, graduation na namin. Well, wala naman akong masyadong mamimiss about high school since I didn't really enjoy it. But oh well.

"Okay! Hanggang dyan lang muna tayo. We'll continue our practice tomorrow in the afternoon."

"Yes, sir."

Isa-isa 'nang nag-alisan ang mga batchmates ko at 'yung ibang juniors. Bumalik naman ako sa bench na pinag-iwanan ko ng water bottle ko.

"Woooo!!"

"Ayieee!!"

"OH MY GOD!"

Napatingin ako 'dun sa crowd na biglang nagsigawan.

"Anong meron?" Lumapit si Jenikka sa akin na nakatingin rin sa tinitignan ko.

I shrugged. "Baka may nagprompose." Kinuha ko ang tubig ko at naglakad na palabas ng gym. "That's normal. Twing February talaga maraming guys na nagtatanong para sa prom."

Sinabayan naman niya ako sa paglalakad. "Oh. Ikaw ba?"

"What about me?"

"Pag may nagtanong sayo, magyeyes ka?"

I stopped walking and laughed. "Lol, me? You serious? Sinong lalaki ang magtatiyaga sa akin?"

"Psst hoy!"

Nakuha ang attention namin 'nung may sumigaw. Si Lance pala, kasama si Jeff.

Nagkatinginan kami ni Jenikka at nagsmirk siya sa akin. Alam ko na ang nasa isip niya.

And no. Lahat na huwag lang siya.

May mga hawak silang towel at papalapit sa amin.

Here we go again...

"Hi Jenik—"

"Hindi."

Saglit na napatahimik si Jeff. Natawa naman ng malakas si Lance.

"Ha? Itatanong ko lang kung..... kumain ka na."

Hindi naman sumagot si Jenikka at tinignan lang siya ng masama.

Nilapitan siya ni Lance at inakbayan. "Tatanungin ka niya kung pwede kang maka-date sa prom."

"A-ano?! Hindi ah! Asa ka!" Sabay tulak ni Jeff kay Lance.

At nagharutan silang dalawa. Para talagang mga tanga 'tong mga 'to.

Naglakad na kami ni Jenikka palayo pero sinundan parin nila kami.

"Ano ba?" Mahinahon pero mukhang napipikong tanong ni Jenikka.

"Anong ano ba?" Tanong naman ni Jeff sa kanya.

"Bakit kayo sunod ng sunod?"

"Masama ba kayong sundan?"

Bigla naman napunta ang tingin ni Jenikka sa akin. "Tiffany, una na ako. Madami pa akong gagawin." Tsaka umalis at hindi na hinintay ang sagot ko.

Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon