Chapter 20

41 1 0
                                    

Tiffany's POV

"If the measure of the hypotenuse of a right triangle is 24cm, what is the measure of side a and b?"

"Ughh... 24 divided by two.... 12. 12."

Napapalo nalang ako sa mukha ko. Nasa bahay ko si Lance ngayon. Periodical na kasi next week kaya nirereview ko na siya. At kung sa tingin niyo eh nag-eenjoy ako, hindi. HINDI. It's almost 3 hours since nung nagsimula kami. Pero mga three problems palang 'yung nasasagutan namin. Parusa.

Tinignan ko siya ng masama pero busy siya sa paglalaro ng psp. Kaya pabigla ko 'yung kinuha at nilagay sa gilid ko.

"Ano ba?!" Kinuha naman niya 'yun agad sakin.

"Ano rin ba?! Kanina pa ako salita ng salita dito hindi mo naman ako pinapakinggan!"

"Teka... Maglelevel-up na ko oh. Last na 'to."

He's been saying that for an hour. Puro nalang last! Tsk. Bakit ba kasi ako pumayag na tutoran 'to eh.

Kinuha ko nalang 'yung libro namin at naghanap ng mas madaling problem.

"Eto. Madali lang 'to. We have the equation 5x+7=8x-9. Find x."

"Nasa Bataan."

I looked at him with confusion.

"Oh! Number ba dapat? Sorry sorry."

Nagpoker-face lang ako. "Pwede ba kasing itigil mo 'yang paglalaro mo!" I shouted.

"Tsss. Oo na."

"Look, Lance. Wala akong pakialam kung bumagsak ka at umulit ka ng highschool. Pero kung balak mo nga magpabagsak, please lang huwag ngayon. kasi damay ang grades ko. Kaya please lang. PLEASE, magseryoso ka naman kahit ngayon lang."

Tumaas ang isang kilay niya. "Daming dakdak. Eto na nga oh?"

Napahawak ako sa ulo ko. Grabe. Wala kayang ibang alam 'to kung 'di puro panloloko ng mga babae? Paano kaya 'to umabot ng senior year?

Dumadami lalo ang mga tigyawat ko sa stress. Kung ganito lang naman ang magiging estudyante ko, hindi nalang ako magteteacher.

"Eto. Simulan nalang muna natin sa Solid Geometry."

Nagsimula na ako sa pagpapaliwanag. Nagsisisi tuloy ako ngayon dahil sumali ako sa Acad Club. Nakakahiya naman kasi kung hindi ako sasali, eh lahat ng honor students kasali. Running for valedictorian pa naman ako.

Ang totoo, hindi naman gan'un kahirap ang highschool eh. Mathematics, Physics, Social studies, madadali lang ang mga subjects na 'yun. Actually, 'yung tatlong 'yun ang favorite subjects ko.

Magkakasing-laki lang raw ang utak ng mga tao. Depende lang 'yun kung paano at gaano kadalas gamitin. Well, except for this guy who doesn't use it at all.

Napatigil ako sa pagpapaliwanag 'nang mapansin kong tumutulo ang laway niya.

Kinuha ko 'yung ruler ko sa bag at ipinukpok ng malakas sa braso niya.

"A-aray! Ano bang problema mo?!"

"Tinutulugan mo lang ako eh!"

"A-ano? H-hindi ah!"

"Anong hindi? Tignan mo, tumutulo 'yung laway mo! Dugyot!"

Agad naman niyang pinunasan 'yung laway sa mukha niya.

"Gusto lang talaga 'nung mga pilik-mata ko sa taas na makipag-halikan 'dun sa pilik-mata ko sa ibaba!"

"Eh kung ipahalik kita sa ruler na 'to?!"

Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon