Chapter 4

118 7 6
                                    

Lance's POV

"Where do you wanna review?"

"Ikaw bahala."

"Tara sa garden nalang tayo. It's peaceful there." Sabay hatak sakin ni Daphne.

Arghh! Puro review. Mas gusto ko pang matulog. Kung wala lang talaga akong kailangan sa kanya e. Tss.

"Ay! Wait! I forgot my calculator. Teka lang diyan ka lang ha?" Paalam niya. Akala ko ba magrereview e bakit may calculator? Ay, ewan!

Ang hangin naman pala dito. Sarap matulog. Mahihiga nalang ako. Buti nalang dito niya naisipan magreview. Wala masyadong tao. Hindi ako maiistorbo ng mga babae.

Naalala ko yung babaeng tumawag sakin nung isang araw. Si Melissa. Ex ko. Pinagpipilitan niya kasi na mas mahal ko raw siya kasi kahit kami pa ni Daphne, naging girlfriend ko siya. Eh trip ko lang naman siya n'un. Kabadtrip. Namura ko pa tuloy. Mamaya kasi baka siya pa makagulo ng mga plano ko eh.

Habang nakatitig sa langit, may biglang tumawag ng pangalan ko. Umupo ako at nagulat sa babaeng nakatayo sa harap ko.

Melissa? Pero bakit parang wala siya sa sarili?

"Lance. Balikan mo na ako. Please." Napakunot naman ang noo ko. Ano ba 'to? Kailan ba nito balak tumigil?

"Mahal kita diba? M-mahal mo rin ako? Sumagot ka! Sumagot ka! Lance!" Pilit niyang niyuyugyog ang buong katawan ko. Hindi naman ako kumikibo. Baka masapak ko lang 'to at maexpell pa ko ng wala sa oras.

"Uhmmm. Excuse me? What did you just say? Ako ata ang girlfriend ni Lance?" Napatingin ako sa nagsalita. Daphne? S-hit! Dapat pala pinaalis ko na si Melissa kanina pa.

"I was the first one. He doesn't love you. He doesn't love you! Hahaha! He doesn't love you." Paulit-ulit na sinasabi ni Melissa. Halata namang gulong gulo si Daphne sa mga nangyayare. Kaya bago pa man may mangyaring patayan dito, inakay ko na si Daphne paalis. Mahirap na baka kung ano pang mangyari.

"Babe. Gutom na ko. Kain nalang muna tayo." Tsaka namin iniwan si Melissa dun na nakaupo sa damuhan. Nang makalayu-layu na kami, hindi na niya napigilan pa at tinanong na ko kung sino daw ba 'yung babaeng 'yun.

"Ewan ko ba. Hindi ko nga rin siya kilala eh. Halata namang nababaliw na 'yun 'diba? Kaya 'wag mo nalang pansinin."

Napaniwala ko naman siya agad kasi alam rin niya na maraming babae ang baliw na baliw sakin. Hindi ko rin naman maipagkakaila 'yun. Sa gwapo kong 'to ba naman.

**

"You may now go out." Huling pagbati ng teacher namin sa amin. Saan naman kaya makatambay? Boring kasi sa bahay.

"Pre! Rooftop tayo tara!" Aya sakin ni Jeff. Bestfriend ko.

"O-osige tara! Bili lang ako pagkain. Nakakagutom eh."

"Sige una na kami dun. Oy! Sumunod ka ah! Quit muna tayo sa pambababae. Hahaha!" Sagot ni Paolo na katropa ko rin.

Humiwalay muna ako sa kanila at tumuloy sa cafeteria. Friday naman ngayon kaya napakiusapan ko si Daphne na bukas nalang kami magreview. Next week, exam na. Hay pakshet.

"Uhh. Kuya Lance." May isang babaeng mukhang bata pa na lumapit sakin.

"Para s-sa inyo po." May inabot siyang box ng chocolates at isang card sabay takbo palayo. Di ko manlang nasabihan ng thank you. Pero ayos na rin! May meryenda na ko mamaya pag-uwi.

Bwisit naman. Ang haba pa ng pila. Kung kailan uwian na tsaka nagbibilihan ng mga pagkain 'to! Pwede namang lumabas nalang at sa 7-11 o ministop bumili.

Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon