Chapter 2

183 10 5
                                    


Tiffany's POV

"Mr. Ayala, where is your paper?" Tanong ng teacher pagkatapos icheck ang bawat paper due na pinasa namin. Nagulat si Lance at napakunot ang noo nito.

"A-ano pong papel?" Tanong naman niya sa guro. Halata sa mukha ng guro ang pagkainis. Eh paano ba naman kasi. Halos two weeks ang binigay samin para tapusin 'yun tapos wala naman pala siyang ginawa. Ganito talaga ang buhay senior eh.

"Oh. So you have no idea of what I'm talking about? Ayala, do you really want to end this year with a diploma, o baka naman gusto mong maging classmates mo pa ang mga juniors ngayon next year?"

"S-sorry ma'am. Nakalimutan ko po." Sabay yuko. Nahiya siguro. Puro kasi pagpapacute ang nalalaman.

"If you don't have any paper to submit today, you may leave the class." Hindi siya kumibo at halatang lalong nairita ang guro.

"Now!" Agad na lumabas ng tahimik si Lance ng room. Tinignan ko si Daphne at kita sa mukha niya ang disappointment.

Pagtapos ng 4th period, nilapitan ko na si Daphne para maglunch.

"Alam ko na iniisip mo." Sabi ko sa kanya nung inabutan ko siyang nakatulala sa desk nya.

"W-what? Wala naman akong iniisip ah." Nagulat naman siya sa biglang pagsulpot ko.

"Alam mo, kasi, wala namang ibang alam 'yang boyfriend mo kundi mamba-"

"Hey. Stop. Please." Napahinto ako sa pagsasalita nang magsalita siya.

"Okay. Chill. Sorry na." Tsaka ko siya binigyan ng peace sign. Wahaha.

"Uhh, hey. I'll be with Lance muna ngayon lunch ha? Kakausapin ko na rin siya. Ayokong hindi ko sya makasabay sa paggraduate and as his girlfriend, I must do something." Paalam niya sa akin. Wala nanaman pala akong kasabay maglunch. Kakawawain nanaman ako nito sa cafeteria. Hayyy. Hindi nalang ako kakain.

Kaya tumuloy nalang ako sa library. Mas peaceful 'dun at hindi pa ako mabobore.

Habang naglalakad sa gitna ng hallway kung saan maraming nakatambay, hindi ako nakaligtas sa mga insulto nila. Well, ganito naman talaga kapag di ko kasama si Daphne. Minsan kasi mas pinipili pa niya 'yung boyfriend kesa sa bestfriend.

"Pangit."

"Baduy."

"Ew stay away."

I'm so used to it like hell and I don't even take it as a big deal. Kahit na, minsan sumosobra na talaga sila, wala eh. Life is about how to deal with the people around you and how to make things work. Wala naman akong magagawa kundi maglabas nalang ng maglabas ng sama ng loob sa pamamagitan ng pag-iyak.

Speaking of maglabas, kailangan ko nga muna pala mag-cr.

"OMG like, talagang super dramatic niya nitong mga nakaraang araw and she seemed so affected."

"I know right. Uy! Alam mo na ba na may bago nanaman daw boyfriend ang leader ng cheering squad? Eww bitch."

"Yah I just heard that a while ago and pervert daw 'yung new boyfriend niya? Yuck f-uckboy."

Napahinga nalang ako ng malalim at napailing sa mga nadaanan ko. Pagbukas ko palang ng pinto ng cr, puro tsismis at kung anu-ano pa ang mga narinig ko. This room is more of like a room of rumors than a comfort room.

"Gossips." Bulong ko tsaka nagtuloy tuloy sa pangalawang cubicle. Paglabas ko naman, nand'un parin sila at pinag-uusapan ang mga tsismis ng school. Palitan na kaya nila ang mga host ng The Buzz. Yung pagiging tsismosa, pangworldwide.

Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon