Tiffany's POV
Guess what? Papunta kami ngayon sa bahay ng lalaking nagbanta at nanakot sakin 'nung isang araw. Dami-dami naman kasing bahay na pwedeng paggawaan ng project dito pa. Pasalamat siya inawat lang ako ni Daphne kanina 'nung sasagutin ko siya. Baka rin kasi magalit 'yung ibang babaeng kasama namin 'pag inaway ko 'yun.
Naramdaman kong huminto ang kotse. Unang bumaba si Daphne na nakapwesto sa harapan. Sumunod naman na kaming mga nasa likod. 'Nang pumasok kami sa gate, nanlaki ang mga mata ko.
Sobrang laki ng bahay nila! Hindi. Hindi bahay 'to. Mansion 'to eh. Grabe. Kaya naman pala ganun nalang 'nung tinakot nya ko. Confident na confident siya.
"Good afternoon po." Pagbati samin nung kasambahay nilang may dalang mga damit na sumalubong samin sa gate.
"Babe! Wait lang!" Naagaw ni Daphne ang atensyon ko 'nang sumigaw siya at tinawag si Lance na tuloy-tuloy lang pumasok. Dahil naman sa pagtakbo niya, nabunggo niya 'yung kasambahay.
"Ay! Sorry po manang!"
Lumapit naman ako at tinulungan siya. 'Yung babaeng 'yun talaga, hindi manlang tinulungan. Bubungguin talaga lahat, para lang sa boyfriend niyang bwisit. Hmp.
"Tulungan na po kita." Pag-aalok ko.
"Ay sige huwag na po." Tanggi naman niya. Pero hindi ko siya pinansin at pinulot ko nalang 'yung mga nalaglag niya.
"Naku sana po hindi niyo na pinulot. Salamat hija." Sabi niya sakin pagkatapos kong ligpitin.
"Ah hindi, okay lang po."
"Lorie. Nanay Lorie nalang ang itawag mo sakin."
"Ahh nanay Lorie. Haha sige po una na po ako ah."
Tsaka ako naglakad palayo kay nanay Lorie at sumunod sa loob.
Ang laki talaga ng bahay nila. Mga kalahati lang siguro nito 'yung bahay namin. Sayang nga lang at sa isang demonyong may-ari napunta.
"Hey! Bakit nakatulala ka diyan?" Napatingin ako kay Daphne 'nang magsalita siya. Pero hindi naman ako sumagot at pinagmasdan ko nalang ulit ang bahay nila.
"Mayaman talaga ang mga Ayala. His dad is one of the richest businessmen in the whole country."
"A-ahhh hindi pa po ba tayo magsisimula?" Biglang sumulpot 'yung isa naming kamember. Oo nga pala. Nawala na sa isip ko yung investigatory project na gagawin.
"Ummm, so para matapos natin 'to agad, paghahati-hatian nalang natin 'yung mga gagawin." Sinimulan ko na silang i-assign. Syempre, 'di papayag si Daphne na hindi pareho 'yung gagawin nila ni Lance kaya wala akong choice.
Teka? Eh bakit parang kulang ata kami?
"Asan na sina Lance at Franz?" Tanong ko sa kanila. Mga nagsikibit-balikat lang naman. Nakoooo 'pag nakita ko yung dalawang bwisit na 'yun, lalamunin ko sila ng buhay at wala akong ititira!
Pero joke lang. As if na magagawa ko 'yun 'no.
Umalis si Daphne at nagpunta sa kwarto ng boyfriend niya. 'Dun lang naman daw kasi mahahanap 'yung dalawang 'yun eh.
"Ahmm, okay, 'wag na natin silang antayin. Tara na, simula na po." Utos ko sa kanila. Mga bored naman silang nagsitanguan.
Ngayon lang ba kayo nakabasa ng nerd na nag-uutos? Hindi naman kasi lahat ng estudyante sa school eh inaaway ako. Meron lang talaga 'yung mga estudyanteng ayaw lang na makipag-usap sakin, pero mababait naman. Ang dahilan kung bakit? Siguro dahil ang hilig-hilig ko sa aral.
After 987654321 years, sobra naman 'yun. After 5 hours lang. After almost 5 hours of researching and experimenting, finally it's all done.
Nagsipagpaalam na rin 'yung iba naming mga ka-members na uuwi na raw sila. Hanggang sa natira nalang, ako, si Daphne, at 'yung isang asungot na kaibigan ni Lance na kasama niya ngayon sa kwarto siguro niya.
"Oh. Magsikain muna kayo." Sabay abot ni nanay Lorie ng meryenda sa harap namin.
"Thanks manang."
"Salamat po Nanay."
Tsaka naman sya nagbow samin.
"Ugh." Napatingin ako kay Daphne 'nang magsalita siya. Nakatingin lang siya sa phone niya.
"Meron?" Hindi siya sumagot 'nung una at nagpack-up lang ng gamit ng mabilis. Sumagot lang siya 'nung malapit na siya sa pinto.
"Tiffany. Ano, s-si mommy kasi, wala raw kasama sa bahay. 'Yung personal assistant niya day-off then si daddy, biglaang ipinatawag sa work. Day-off rin lahat ng maids namin ngayon. Ano? Sasabay ka ba sakin pauwi?"
"A-ahh ganun ba? Sige, magcocommute nalang ako para di ka na maabala." Hindi nalang ako sumabay. Matatagalan pa siya sa pag-uwi kung ihahatid pa ko samin.
"Sure?"
"Yep." Tsaka ako tumango at ngumiti.
"Okay then. I'll text you nalang. And, tell Lance na nauna na ako. Babye!" Nagwave siya sakin at dali-dali 'nang pumara ng taxi sa labas.
Nagligpit na rin ako ng gamit. Ayoko namang maabutan pa ako ng bwisit na nandito sa bahay nila.
"Si Daphne?" Napapikit nalang ako nang marinig ko ang boses niya. Pero hindi ako humarap sa kanya at hindi ko sinagot ang tanong niya. 'Nang matapos ako sa pagliligpit, tuloy-tuloy akong lumabas ng pinto.
"Hoy? Bingi ka ba? Teka? Si Daphne kako." Sinundan naman niya ako palabas. Ang kulit ng lahi.
"Umuwi na!" Sinigawan ko siya. Aalis na sana ako 'nang hawakan niya ng mahigpit ang braso ko at hatakin. Bwiset!
"ANO BA? BITAWAN MO KO!" Sigaw ko ulit sa kanya. Agad naman niya akong binitawan.
"BAKIT KA BA SIGAW NG SIGAW?!" Napahawak nalang ako ng mahigpit sa ulo ko.
Hindi ko siya sinagot at lalakad na sana ako palayo pero biglang bumuhos ang malakas na ulan.
"S-hit." Dala-dala ko pa naman 'yung laptop ko at yung iba pang papers. Ang ganda ng timing mo ulan! Grabe!
Tumanaw ako sa may gate at napansin kong may padaan na taxi. Kaya tumakbo ako papunta dun. Mabasa na lahat 'wag lang ang laptop ko. Pero putek, si Lance hinarang ulit ako sa gitna ng ulan.
"Dahil ba sa pananakot ko sayo kaya ka galit na galit sakin?" Napatingin ako sa gilid ko tapos napatingin rin sa kanya. Ano ba naman kasing problema nito?
"Ano naman kung galit nga ako sa'yo dahil dun? May pake ka ba? 'Diba wala?!"
"Sumagot ka nalang!"
"OO! Oo dahil 'don! Bakit? Dahil wala kang kwenta! Bakit wala kang kwenta? Kasi lumalaban ka sa isang tao gamit ang kahinaan nila! Napakadugas mo! At isa pa, alam ko lahat ng mga pinaggagagawa mo. 'Yung panloloko mo kay Daphne, at 'yung pambababae mo habang kayo pa." Dinuro-duro ko siya. Eto na 'yung time na dapat ipakita ko sa kanya kung sino kinakalaban niya.
"Napakarami mong babaeng napaiyak at pinaasa. Bakit ba kayo ganyang mga lalaki? Ang hilig nyong gawing laro lang ang mga bagay na hindi niyo alam kung gaano kaimportante sa mga babae?" Huminga ako ng malalim pagtapos kong magsalita ng tuloy-tuloy.
"Bakit? Eh 'diba ganun lang rin naman kayong mga babae?! Akala niyo porket kayo ang dinadalaw at kayo ang nabubuntis, kayo na ang may pasan sa mundo! Akala niyo wala kaming pakiramdam! Akala niyo kayo lang ang naghihirap! Akala niyo!" Napakunot ang noo ko sa mga pinagsasasabi niya. "Ikaw?! 'Diba lampa ka? Bakit ang tapang-tapang mo ngayon tapos sa school duduwag-duwag ka? Ganyan kayong mga babae. Ang hihilig niyo sa drama! Palibhasa magagaling kayo magkunwari at magdrama! Pare-pareho lang naman ka--"
*PAK
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya ng malakas.
BINABASA MO ANG
Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]
Fiksi RemajaPaano pag nalaman mo ang pinakatatagong sikreto ng boyfriend ng bestfriend mo at hindi mo 'yun masabi sa kanya kasi binlockmail ka ng boyfriend nya! Hanggang sa nalaman ng kaibigan mo ang lahat ng ito at sobrang nagalit siya sa inyo ng boyfriend niy...