Chapter 29

20 1 0
                                    

Jeff's POV

"JEEEEEFF!!"

"MAAAAA!"

"Ano nanamang meron sa closet mo?!"

Tahi-tahimik ng gabi, si mama, nakasigaw nanaman.

"Damit, ma." Sabi ko habang naglalaro ng NBA 2K15.

Kakagaling lang namin sa mall. Ganito lang naman kami twing pasko eh. Kaya pag-uwing pag-uwi, sinubukan ko agad 'tong bagong game na binili ko.

Nilapitan niya ako ng nakapamewang. "Bakit ganito nanaman kagulo 'to? Kakalinis ko lang 'nung isang araw ah!"

"Ayos nga 'yan mama eh. Magic." Piningot niya ang kanang tainga ko. "A-aray!!"

"Puro ka laro! Ayusin mo 'to! Kundi, 'dun ka sa labas matulog! Katabi mo 'yung aso mo!"

"Together forever kami ni Lance II." Bulong ko.

Paalis na sana si mama 'nang marinig ang binulong ko. Kaya bumalik siya ulit. "May sinasabi ka?"

"A-ah wala ma. Ang ganda mo kako dyan sa bestidang suot mo. Yieee." Tsaka ako ngumiti sa kanya. Hindi naman niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa pag-alis.

At oo. Lance II ang pangalan ng aso ko. Hawig kasi sila ni Lance. Hahahaha.

Ano ba 'to. Nakakagutom. Makakuha nga muna ng pagkain.

Bumaba ako at nadatnan ang isang malaking kaldero ng lechon kawali sa lamesa. Tapos may gravy sa gilid. Bwahaha!! Chichibog muna ko.

Hanggang sa, nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto ko 'nang meron akong naisip. Walang kwenta ang lechon kung walang Coke.

Tama. Coke.

Kaya bumaba ulit ako at kumuha ng Coke sa ref.

"Lechon with Coke is hart hart hart."

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko, nakapatay 'yung ilaw. 'Yung ilaw lang ng tv ang nakabukas. Inilagay ko muna 'yung hawak ko sa pinakamalapit na closet sa pinto. May naaninag akong anino sa may bintana. Unti-unti itong lumalapit sakin at—

"AHHHHHHH!!!"

May nadinig akong platong nabagsak. NOOOOOOO!

Agad kong binuksan ang ilaw. Nagulat ako 'nang makita ko si Lance sa kwarto ko. Nakatingin siya sa sahig kaya napatingin rin ako 'dun.

Halos maiyak ako 'nung makita ko 'yung lechon kawali at gravy na nakakalat sa sahig. 'Yun pala 'yung platong nabagsak kanina. Nasunggo siguro ni Lance 'yung pinagpatungan ko.

Pota naman oh.

"ANO BA KASE?! BA'T NANDITO KA?!!"

Hindi siya sumasagot.

"Tignan mo 'yan! Tignan mo! Wala na! Sinayang mo lahat ng paghihirap ko! Hindi mo alam kung gaano kalayo ang tinahak ng dalawang paa ko para lang makakuha niyan! Hindi ka na naaw—"

"Bumalik na siya."

Napakunot ang noo ko at may lumutang na question mark sa taas ng ulo ko.

"Huh?"

Tumingin siya sa akin na mugto ang mga mata.

"Bumalik na si mommy."

**

"At nandito ka dahil....?"

Sabi ko habang pinupunasan 'yung natapong pagkain sa sahig. Hindi siya sumagot at tinignan lang ako.

"Ba 'yan, Lance. Paskong pasko. Umuwi ka na nga sa inyo."

"Ayoko."

Ang arte, kalalaking tao. "Bakit? Dahil sa mommy mo?"

Dealing with Mr. Casanova [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon